^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat humingi ng danyos sa nambanggang Chinese vessel

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dapat humingi ng danyos sa nambanggang Chinese vessel

HUMINGI na ng paumanhin ang may-ari ng Chinese fishing vessel na nambangga sa bangkang pangisda ng 22 mangingisdang Pinoy noong nakaraang Hunyo 9 sa Recto Bank. Ayon sa memorandum na nagmula sa Guangdong Fishery Mutual Insurance Association president Chen Shiqin na may pamagat na “Chinese Apology on the Recto Bank collision incident”, humihingi nang malalim na paumanhin ang may-ari ng Chinese vessel sa mga Pilipinong mangingisda dahil sa nangyari. Hindi umano sinadya ang pagbangga at inaako ang lahat nang responsibilidad sa pangyayari. Ayon pa kay Shiqin, inatasan na nila ang may-ari ng fishing vessel na makipag-ugnayan sa Pilipinas kaugnay sa nangya­ring insidente at kung paano mababayaran ang napinsalang bangka ng mga Pinoy.

Mabuti naman at humingi na ng paumanhin ang may-ari ng Chinese vessel at inaako ang responsibilidad sa nangyari. Nararapat lamang na bayaran ang napinsalang F/B Gem-Vir 1 sapagkat ito lamang ang tanging gamit ng 22 mangingisda para sa kanilang paghahanapbuhay. Kung hindi sila mababayaran sa nangyaring pinsala, kawawa ang kanilang pamilya na sa pangingisda lamang umaasa.

Bagama’t sinasabi ng may-ari na hindi sinasadya­ ang pagbangga, naninindigan ang mga mangingis­­dang Pinoy na sadya silang binangga. Ang nakaka­­galit, pagkatapos silang banggain, tumalilis ang Chi­­nese vessel habang unti-unting lumulubog ang Gem-Ver kasama ang mga mangingisdang Pinoy. Na­sagip ang Pinoys nang saklolohan ng mga ma­ngi­ngisdang Vietnamese. Sabi ng kapitan ng Gem-Ver, sadya silang binangga. Nawasak ang unahang ba­hagi ng bangka. Ang pangyayari ay nagdulot ng trauma sa mga mangingisda. Ayon pa sa mga ma­ngingisdang Pinoy, nasa P500,000 ang halaga ng nawala sa kanila.

Mabuti at sinabi mismo sa memorandum mula sa Chinese fishing association na oobligahin nila ang may-ari ng fishing vessel na bayaran ang mga ma­ngingisdang Pinoy. Sana maging mabilis ang pagba­bayad sa mga mangingisda. Kung hindi pa kikilos ang may-ari, dapat obligahin ito ng asosasyon. Sila ang dapat kumumpronta sa may-ari ng fishing vessel.

vuukle comment

CHINESE VESSEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with