^

PSN Opinyon

Bye-bye porky

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA wakas, wala nang pork barrel. Noong  Martes, dininig ng House committee on appropriations ang panukalang 2020 badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Tanong ni Speaker Alan Peter Cayetano: May bahid ba ng kahit kaunting pork barrel ang badyet. Sagot ni DPWH Secretary Mark Villar - wala. Kasi raw, line-item budgeting ay atas ni Pangulong Duterte.

 Dati, nagkukumahog ang ilang mga kongresista na tiyaking meron silang maiipit o mai-insert na proyekto sa badyet ng DPWH. Yan ang tinatawag na pork barrel. Ngayon, ang Speaker na  ang nagtitiyak na wala nito. Sumunod na tanong ni Speaker: “Mayroon bang nag-parking na pondo sa budget?” Sagot uli ni Villar, walang ganitong “parking” sa kanyang Departamento. Hindi ito papayagan ng Pangulong Duterte aniya. Kapag nag-“park” ka ng pondo, ang mangyayari ay may lump sum sa badyet na wala namang nakasaad kung saan gagamitin. Naka-park lang ito sa isang distrito ng congressman pero ito ay gagamitin para sa ibang proyekto o distrito.

Ang “parking” at iba pang ilegal na insertions ang sanhi ng pagtatalo ng Senado at Kamara de Represen­tante noong nakaraang Kongreso na nagresulta sa pagkakaantala ng pagpasa ng 2019 national budget. Yan ang ayaw na ayaw ring mangyari ni Speaker dahil ang plano niya ay maipasa na sa Kamara ang 2020 budget sa Oktubre, para may sapat pang panahon ang Senado na pag-aralan ito.

Noon pa man ay pinagdiinan ng Pangulo nang tanggalin niya ang may P95-bilyong pondo ng DPWH sa 2019 budget na hindi niya papayagan ang korapsyon.  Iyan din ang mensahe ni Cayetano. “Ang usapan sa Kongreso, we will fight corruption.” Yan ang pahayag ni Cayetano nang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang  P4.1 trillion National Budget para sa taong 2020.

Sinabi rin ni Cayetano, kapag may nadiskubreng anomalya na sangkot kahit sinong kongresista, deretso agad sa Office of the President o sa Office of the Ombudsman, at titiyakin niya ang buong kooperasyon ng Kamara sa imbestigasyon. Binigyang diin ni Speaker na ang isang nagkakaisang Kamara ay tutulong para matupad ang pangako ng Pangulo na isang ligtas at maginhawang buhay para sa bawat Pilipino. 

Isa sa mga ginagawa ngayon ni Cayetano para maibalik ang respeto ng tao sa Kamara ay ang pagtitityak na walang ‘pork’ sa national budget. Magandang simula ito. Wala namang itinatago si Cayetano. Lahat halos ng gawain niya sa Kongreso ay nasasaksihan ng publiko sa kanyang Facebook page.

Bantayan natin ang mga mambabatas natin sa mga plenary session. Tingnan ninyo kung ano ang ginagawa nila. Bantayan kung may mga ilegal na insertion na ginagawa sa badyet. Andiyan naman ang ating Speaker na nangakong siya ang unang-unang haharang sa ganitong ilegal na gawain.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

MARK VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with