^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bangis ng leptospirosis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bangis ng leptospirosis

HINDI lamang dengue ang nagbibigay ng problema­ ngayon sa mamamayan kundi pati na rin ang leptos­pi­rosis. Kung ang dengue ay nanggagaling sa kagat ng lamok na Aegis Aegypti, ang leptospirosis naman ay nakukuha sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Kapag ang virus ay pumasok sa sugat na nasa paa o binti ng taong lumusong sa baha, dito na magsisi­mula ang leptospirosis.

Nakamamatay ang leptospirosis kaya payo ng De­partment of Health (DOH), huwag lumusong sa baha ang may sugat sa paa at binti. O kung lulusong, magsuot ng bota para may proteksiyon sa baha na may ihi ng daga.

Ayon sa DOH, may naitala nang 1,030 na kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito at 93 na ang namatay. Mas mataas umano ng 41 percent ang kaso ng leptospirosis ngayon kaysa noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Dito sa Metro Manila, marami sa mga nagka-lep­tospirosis ay na-admit sa National Kidney and Trans­plant Institute (NKTI). Ayon sa report, dahil sa dami nang na-admit, pati ang gym ng NKTI ay ginamit na rin para sa mga may leptospirosis.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, nahihirapang umihi, naninilaw ang balat at namumula ang mga mata. Ayon sa mga doktor, lumalabas ang mga sintomas makaraan ang pitong araw pagkalu­song sa baha na kontaminado ng ihi.

Marumi ang Metro Manila. Maraming basura sa­pagkat maraming residente ang walang disiplina sa pagtatapon. Maski ang mga estero ay punumpuno ng basura. Sa mga basurang ito nabubuhay ang mga daga. Kapag bumaha, hindi lang basura ang inaanod kundi pati dumi at ihi ng daga.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga. Pana­tilihin ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at nasa ayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga.

Inaasahan ang kampanya ng DOH laban sa leptos­pirosis. Nararapat maimulat ang mamamayan para hindi sila mapahamak sa nakamamatay na sakit. Paalala sa mga magulang, huwag hayaang maglaro o maligo sa baha ang mga anak. Mapanganib ang leptospirosis.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with