^

PSN Opinyon

Pangangalaga ng mga lugar

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LILINISIN nga ang Boracay, bababuyin naman ng turista. Nakunan ng video ang inang nagpaparumi ng kanyang anak sa dalampasigan at nang matapos ay ibinaon ang diaper na pinaggamitan sa buhangin. Kaya pansamantalang isinara ang Station 1 kung saan naganap umano ang pambababoy. Ipinagbawal na rin ang lumangoy doon. Sino ba ang may gusto niyan?

Inaalam ngayon kung sino ang turista sa nasabing video. Ang tanong ko naman, bakit hindi sinaway ng kumuha ng video ang ginawang pambababoy? Mas mahalaga bang ikalat sa social media kaysa sitahin ang salarin at panatilihing malinis ang kapaligiran, sa kasong ito ang Boracay na kalilinis lang? Hindi ba may “sin of commission” at “sin of omission”? Baka naman puwedeng itanong sa kumuha ng video kung anong nasyonalidad ng turista para medyo lumiit ang paghahanapan ng mga otoridad? Kailan naman kaya naganap iyan? Baka huli na ang paglilinis ng mga otoridad. Ang dapat ay matagpuan ang diaper na ibinaon sa buhangin. Ang baboy naman nila!

Maraming lugar na paborito ng mga turista sa buong mundo ang nagrereklamo na nga sa tinatawag na “overtourism” o “tourist fatigue”. Mga lugar tulad ng Paris, Rome, Amsterdam at iba pang kilalang destinasyon ng mga turista. Dito sa atin ay maaaring itulad siguro ang Baguio, Tagaytay, Cebu. Ang mga mamamayan sa nasabing lugar ay nagre-reklamo na sa dami ng tao, sa basurang naiiwan, at ingay at gulo na karaniwan sa maraming tao.

Nawala na ang mala-carpet na damuhan at napalitan na ng mapuputik na daanan ng tao. Nawala na ang katahimikan. Ang nais ng mga residente ng bawat kilalang lugar ay ipasara na muna o bawasan ang pagdating ng mga tao. Tila ganito na nga ang nangyari sa Boracay kaya ipinasara ni Pres. Rodrigo Duterte ng anim na buwan para sa rehabilitasyon. Pero bababuyin naman ng turista.

Lahat ng bansa ay gusto ang malakas na turismo. Nagdadala ito ng ekonomiya at trabaho para sa lugar. Pero sa dali at bilis ng pagbiyahe ngayon, mas maraming tao ang nakararating sa lahat ng kasulukan ng mundo. Mahirap solusyunan ang mga problema ng mga lugar tulad ng Paris, Amsterdam at iba pa. Hindi iyan sindali ng pagsara ng Boracay. Pero kung nais mapanatili ang ganda at mga kalidad kung saan sila kilala, dapat siguro asikasuhin na ang masuring pangangalaga sa kanilang lugar.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with