^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Restroom para sa LGBT

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Restroom para sa LGBT

ANG nangyari sa transgender woman na si Gretchen Custodio Diez na hindi pinagamit ng comfort room para sa mga babae sa Farmer’s Plaza­, Cubao, Quezon City ay isang hudyat sa mga kinauukulan para gumawa ng sariling restroom para sa lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community. Napakasimpleng problema ito at madaling resolbahin para hindi na maulit ang mga pangyayari kung saan lagi nang naaagra­byado ang mga LGBT. Hindi ito dapat mangyari kaya ang solusyon, sariling comfort room para sa kanila at tapos ang problema.

Pinosasan si Diez ng mga security guard ng mall makaraang makipagtalo sa janitress nang ayaw siyang pagamitin ng comfort room para sa mga babae. Ayon kay Diez, pinagtabuyan siya ng janitress at sinabihang doon siya mag-CR para sa mga lalaki. Nakipagtalo siya sa janitress hanggang sa makialam na ang mga guard at pinosasan siya at dinala sa Quezon City Police Department (QCPD) Station 7. Ayon naman sa janitress, na­galit lalo siya kay Diez sapagkat kinunan pa siya nito ng picture at pinost sa Facebook ang pangyayari. Nagbanta siyang idedemanda si Diez dahil sa pagkuha ng picture. Sabi naman ni Diez, ire­reklamo niya ang pamunuan ng mall dahil sa hindi makataong pagposas at pagpapaalis sa kanya ng mga guard.

Makaraang mai-post sa Facebook ang hindi pagpapagamit ng comfort room kay Diez, bumu­hos ang suporta sa kanya ng LGBT community. Sumugod ang maraming grupo at kinokondena ang di-makatao o indiskriminasyon laban kay Diez. Hindi anila makatarungan ang ginawa kay Diez.

Ang insidenteng ito ay dapat magbukas sa isipan ng mga namumuno para gumawa na ng rest­room para sa LGBT. Umpisahan ito ng mga local government unit (LGU). Hindi na kailangang dumaan pa sa kung anu-anong pagtatalo ng mga mambabatas ang pagtatayo ng ikatlong restroom. Agarang magpagawa para magamit ng LGBT. Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang mga insidente kung saan may nagkakasakitan o nagbubunga ng karahasan. Madali lang solusyunan ang problemang ito.

vuukle comment

LGBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with