^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming ‘seniors’ ang nagkukunwang mahirap

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Daming �seniors� ang nagkukunwang mahirap

MALAKING hamon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang napabalitang mga reklamo na marami sa senior citizens ang tumatanggap ng P500 monthly subsidy sa kabila na hindi naman kuwalipikado sapagkat namumuhay sila sa kariwasaan sapagkat karamihan ay pensiyunado o pensiyonada na. Sa madaling salita, buwan-buwan ay tumatanggap pa ang mga “nakaluluwag” na senior citizens ng P500 sa halip na dapat ay mapunta ito sa mga “kawawa” at “walang-wala”.

Nakasaad sa Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010) na ang makatatanggap lamang ng P500 monthly subsidy ay ang mga senior citizen na 60-anyos pataas, may kapansanan, maysakit, mahina ang pangangatawan; hindi pensiyonado ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS), Philippine Veterans Affairs Office, Armed Forces and Police Mutual Benefit Association Inc. at iba pang insu­rance company; walang regular na suporta sa pa­milya nito at kamag-anak para sa araw-araw na panga­ngailangan.

Malinaw ang nakasaad sa batas kaya nakapagtataka kung paano nakalulusot sa DSWD ang mga seniors na nakatatanggap ng buwanang P500. Ibig sabihin, hindi nakikipag-ugnayan ang DSWD sa SSS o GSIS kaya hindi nila nalalaman na napapalusutan na sila ng mga seniors na nakaririwasa naman pala. Napakaluwag marahil ng DSWD kaya madali silang nalulusutan ng mga senior  na “nag-aarimuhan” sa P500. Sa isip ng mga nakaluluwag na seniors, sayang­ din ang P500 na makukuha.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang Commission on Audit (COA) sapagkat dumami umano ang mga beneficiaries para sa P500 monthy subsidy. Nagdududa na rin ang COA na maaaring hindi nasusubaybayan ng DSWD ang galaw sa pagbibigay ng subsidy para sa mga kuwalipikadong senior citizens. Palagay ng COA, marami sa benepisyaryo ang hindi talaga dapat mabigyan ng P500 sapagkat hindi kuwalipikado ang mga ito.

Nararapat kumilos ang DSWD at magkaroon ng tama at maayos na pagsisiyasat kung ang bini­bigyan ng buwanang P500 ay karapat-dapat. Mag­karoon ng pagtatanong ang DSWD sa mga nakalistang benipisyaryo para matiyak kung ang mga ito ay totoo bang walang kakayahan o nagkukunwari lamang.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with