Agosto 21
SINABI ni bagong Budget and Management Secretary Wendel Avisado na tiyak nang maisusumite sa Congress ang proposed 2020 national budget na umaabot ng P4.1 trillion.
Tiniyak ni Avisado na kasalukuyan nang iniimprenta ang mga required documents na kinakailangang masumite sa Kongreso bago ang Agosto 21.
Kasi pagdating ng Agosto 21, may isang buwan na ang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo Duterte na ginanap noong Hulyo 22.
Mahalaga na maisumite na ang nasabing proposed national budget alinsunod sa batas.
Ngunit ito ay dahil na rin para mabigyan ng sapat na panahon ang Lower House at ang Senado na aprubahan ang proposed budget bago matapos ang taon hindi gaya noong nangyari sa 2019 budget.
Pinirmahan ni President Duterte ang 2019 budget noong Abril na at may veto pa siya na nagkakahalaga ng P95-billion na sinasabing infrastructure projects ng mga congressmen.
Nakaapekto sa ating ekonomiya ang delayed o reenacted budget noong 2019.
Sana naman sa panahong ito na nangako naman si Avisado na tatapusin at maisumite na sa Kongreso ang proposed P4.1 trillion budget bago pa ang Agosto 21.
- Latest