^

PSN Opinyon

Paghahalo ng pulitiko at komikero nauuso

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“CORNY ka kung hindi mo nakuha na nagpapatawa lang siya,” malimit sabihin ng spokesmen ni President Rody Duterte. Paglinaw nila ‘yon sa kontrobersiyang pag-lips-to-lips niya onstage sa babaeng OFW, bansag sa kritiko na “bakla”, at hikayat sa mga istambay na holdapin ang obispo. Inis si US president Donald Trump sa batikos ng media sa madalas niyang pabirong pitik sa mga kalaban. Estilo ng mga pulitiko na magkomiko para manatiling sikat. May gag writers pa nga sina ex-US prez Barack Obama at umaasintang British prime minister Boris Johnson.

Iba sa Ukraine: nu’ng Abril, naghalal mismo ng propes­yonal na komikero bilang president. Sumikat si Volodymyr Zelensky sa tele-comedy tungkol sa guro na naging pa­­ngulo nang mag-viral ang patutsada sa pulitika. Kakaiba, puro patawa rin ang kampanya niya. Nauuso sa mundo magpulitiko ang komikero. Nu’ng 2018 naging prime minister ng Slovenia si Marian Salec, satirist na nag-spoof sa TV sa dating PM. Sa Guatemala nu’ng 2015 nag-president si komedyante Jimmy Morales. Sa Reykjavik, capital ng Iceland, nag-mayor nu’ng 2009-2014 si standup comic at punk-rocker Jon Gnarr. Nito rin 2018 naging mayorya sa parliament ang partidong tinatag ni komikero Beppe Grillo.

Nauna ang Pilipinas. Nakakatawa si matinee idol Joseph Estrada sa mga pelikula -- naka-basketball shoes, coat and tie; baluktot mag-Inggles. Limang dekada naging mayor, senator, VP, president, at muli mayor. May libro pa ng kanyang umano’y “carabao English”. Kabado kumandidatong pulitiko si comedy superstar Dolphy Quizon (SLN): “Papano kung manalo ako?” pakuwela niya. Dekada-’70 nag-senador ang seryosong TV host-comedian Eddie Ilarde. Sumunod nu’ng dekada-’90 ang matalinong TV host-comedian-musician Tito Sotto, apo ng senador.

Sa Ecuador nu’ng 1997 tinanggal makalipas ang anim na buwan si President Abdala Bucaram, dating nightclub comic at singer. Natulad si Estrada, na-impeach at kinulong nu’ng 2001. Hindi nakakatawa ‘yon.

vuukle comment

BARACK OBAMA

DONALD TRUMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with