^

PSN Opinyon

Senator vs senator

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

“OVER my dead body”. 

Iyan ang walang gatol na pahayag ni Senator Joel Villa­nueva sa divorce bill na itinutulak ng kanyang kapwa Senator na si Risa Hontiveros.

Kahit Pilipinas na lamang ang bansang walang batas­ sa diborsyo, para sa akin mas mabuti ang sumunod sa Panginoon na “ang pinagsama ng Diyos, huwag pa­pag­hiwalayin ng tao.”

Ang kasal ay hindi karaniwang kontrata na puwedeng­ tanggalan ng bisa. Ito ay covenant o kasunduang sinum­paan­ ng babae at lalaki sa harap ng Panginoong Diyos. Ang katuwiran ng mga nagsusulong ng panukalang batas na ito ay, hindi na raw dapat magtiis ang mag-asawa kung hindi na nagkakasundo.

Kung Iyan ang magiging batayan ng hiwalayan, halos lahat ng ikinasal ay maghihiwalay pagdating ng puntong hindi na sila magkasundo at palaging nagbabangayan. Isa pa, madaling gumawa ng paraan ang mag-asawang nagka­sa­waan na para maghiwalay.

Kung magkagayon, palitan na ang mga pahayag na sinasambit ng mga ikinakasal na nagsasama sa hirap at ginhawa. Gawin itong magkasama sa ginhawa at maghi­hiwalay sa panahon ng kahirapan.

Ang pamilya ay siyang basic unit ng lipunan. Kung mawawalan ito ng katatagan, we will have a disfunctional society. Marami nang factors na nagiging dahilan ng pag­kawasak ng pamilya. Kasama na riyan ang masasamang bisyo gaya ng droga, alak at sugal. Hindi magiging solusyon ang diborsyo sa ganyang suliranin, bagkus lalo pang maglulubha ang problema. A broken family is a broken society and a broken society is a broken country.

Kaya tama si Sen. Joel sa pagtutol sa panukalang batas na ito. Sana mas maraming mambabatas ang may puso na sundin ang kalooban ng Diyos at hindi lang nakikisunod sa kung ano ang nauuso o naaangkop sa bagong panahon.

vuukle comment

DIVORCE BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with