^

PSN Opinyon

Malas na mister (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG palusot naman ni Gary ay nagkita raw sila ni Mario nang hinahanap niya ang pinapastol na baka sa burol. Hinabol daw siya nito ng itak at napilitan lang na lumaban nang masukol ng lalaki. Inundayan daw niya si Mario ng saksak sa leeg dahilan ng pagkasugat nito dahil nga mas malaki ang katawan kaysa sa kanya. Hindi na raw niya napansin na patuloy niyang sinasaksak ang lalaki hanggang mapalugmok ang biktima. Itinanggi niya na naroon si Helen at inakusahan pa ang mga pulis sa pagtatali sa kanya dahil ayaw niyang aminin ang krimen. Sa imbestigasyon daw ay inamin niya sa mga pulis na pinatay niya si Mario pero dinala siya sa huwes na gumawa ng dokumento na kanyang pinirmahan kahit wala siyang abogado. Nang gisahin sa cross-examination, inamin din ni Gary na ginawa niya ang dokumento at pawang totoo ang nakasaad doon. Hindi naman daw niya sinabi sa piskal na binugbog siya ng mga pulis para aminin ang krimen.

Napatunayan ng korte na nagkasala si Gary at sapat ang mga sirkumstansiya para siya hatulan ng murder. Pinagmalupitan niya ang biktima at ginawa ang krimen sa isang liblib na lugar kaya ang hatol sa kanya ay habambuhay na pagkabilanggo.

Kinatigan ng SC ang desisyon ng RTC. Nagkasala raw si Gary at murder ang krimen na kanyang ginawa. Napansin ng korte na sa paglilitis ng kaso ay hindi naman binanggit ni Gary ang tungkol sa pag-udyok sa kanya ni Helen na gawin ang krimen. At kahit pa nga totoong binuyo siya na gawin ang pagpatay ay hindi iyon sapat para siya makalusot sa batas dahil nakayuko lang si Mario at naghuhukay. Wala siyang laban nang biglang saksakin mula sa likod ng akusado. Hindi nagawang ipagtanggol ng biktima ang sarili sa unang atake pa lamang kaya may kataksilan na nakapagpabigat sa krimen.

Ang depensa ni Gary na hinahabol siya ni Mario at napilitan siyang gamitin ang itak dahil na nasukol na siya ay hindi kapani-paniwala at simpleng imbento lang ayon sa SC. Tungkol naman sa rami ng sugat na tinamo ni Mario, hindi raw ito sapat para sabihin na pinagmalupitan ang biktima. Para patunayan na pinagmalupitan siya ni Gary ay kailangan ng ebidensiya na sinadyang dagdagan ng akusado ang hindi makataong pagpapahirap sa kanyang biktima hanggang sa mapatay ito.  Ang sirkumstansiya tungkol sa liblib na lugar ay hindi rin sapat dahil sa kakulangan ng ebidensiyang magtuturo na pinili ni Gary na roon gawin ang krimen para magtagumpay ang kanyang masamang balak.

Pero sa kabila nito ay murder pa rin ang kanyang ginawa dahil sa kataksilan (treachery) na ginamit. Tama lang daw ang ginawang hatol ng RTC na habambuhay na pagkabilanggo bilang parusa (People vs. Aguinaldo, G.R. L-33843, February 11, 1931).

vuukle comment

CRIME

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with