^

PSN Opinyon

Sa iba na lang mangarap

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HUWAG na kayong mangarap na manalo sa lotto dahil binuwag na ni Pres. Rodrigo Duterte ang PCSO. Tigil na rin ang STL, Keno at iba pang laro na binigyan ng prankisa ng PCSO. Inutusan ang pulis na isara ang lahat ng lotto outlets sa buong bansa. Ang dahilan: malawakang korapsyon sa lahat ng operasyon ng PCSO. Wala namang pinangalanan sa ngayon. Kaya sa iba na lang kayo mangarap.

Nagulat na lang ang marami sa masamang balita. Oo, masamang balita ito para sa napakarami. Una ay ang mga nakikinabang sa PCSO para sa kanilang medikal na panga-ngailangan. Tandaan na ang malaking porsiyento ng pondo ng PCSO ay napupunta sa kawanggawa. At nakukuha ang mga pondong iyan mula sa mga laro. Kung walang makukuhang pondo, wala silang maibibigay na tulong. Pangalawa, nawalan ng trabaho ang napakaraming nagpapatakbo ng tayaan. Siguro pati mga empleyado ng PCSO ay nawalan na rin ng trabaho. Nagising na lang sila at wala na silang trabaho. Ano na ang gagawin nila? Makakakuha ba sila ng separation pay dahil sa pagsara? Pangatlo, nawalan na lang ng negosyo ang marami. Paano na ang mga binayaran nilang prankisa? Ibabalik ba iyan ng gobyerno? Paano mga kabubukas lang na outlet? Makakahingi ba sila ng refund? Sigurado may mga outlet diyan na hindi pa nakakabawi sa kanilang puhunan. Pero mukhang wala namang pakialam si Duterte sa lahat na iyan.

Sinita ni Duterte ang korapsyon. Kung iyan ang dahilan, bakit kinakailangang itigil ang mga laro o tayaan ng PCSO? Bakit hindi patalsikin o sibakin ang mga tiwaling opisyal o kung sino man sa PCSO at palitan ng ibang tao? Sigurado may mga bumulong kay Duterte kung sinu-sino ang tiwali sa PCSO. Maraming ahensiya ng gobyerno ang umaalingasaw rin sa korapsyon tulad ng Bureau of Customs, Philhealth pati ang PNP. Bakit hindi ipinasara rin ang mga ito? Ngayon, aalamin pa kung paano maglalaan ng pondo para sa mga tinutulungan ng PCSO, kung may pagkukuhanan. Kung ang pagtaas ng sahod ng mga guro ay hindi pa magawa-gawa, ito pa kaya. Hindi naman iyan katulad ng mga pulis na mabilis dinoble ang sahod. Hindi na rin ako magtataka na kung hindi na ibabalik ang mga laro o tayaan ng lotto at iba pa, mga iligal na laro ang iiral muli tulad ng jueteng. Palihim na naman ang pagsugal hindi tulad ng STL na pumalit sa jueteng, na nagbigay rin ng trabaho sa mga kubrador. Makikinabang muli ang mga tiwaling pulis o opisyal kapag bumalik ang jueteng dahil sa lagay. Wala namang pakialam ang Palasyo sa mga iyan dahil kung ano ang gusto ni Duterte, siya ang masusunod.   

vuukle comment

LOTTO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with