^

PSN Opinyon

Sigalot dahil sa tubig: kahapon, ngayon, bukas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

AYON sa mga eksperto, ang mga darating na digmaan ay para sa tubig. Tutuyuin ng global warming ang mara-ming ilog at lawa, at papanutin ang mga gubat at parang. Malalagas ang mga laman-dagat. Mag-aaway ang mga tao para kontrolin ang natitirang sariwang inumin at pandilig, at dagat. Ikamamatay umano ito ng daan-daan milyong tao sa mundo.

Ngayon pa lang nangyayari na ito. Pinaglalabanan ng Australia at mga kapit-bansa ang dagat sa pagitan nila. Labag sa international law, inaangkin ng China ang exclusive economic zones ng Pilipinas, Vietnam, Brunei, Malaysia, Indonesia at Japan. Inuugat ng UNESCO ang sigalot sa Middle East sa Euphrates at Tigris Rivers ng Syria, Iraq, at Turkey; sa Jordan River ng Israel, Lebanon, Jordan, at Palestine; at sa Nile River ng Egypt at Ethiopia. Nagtatalo ang mga bansang tinatahak ng Amazon River sa South America dahil sa pagtatayo ng dam at polusyon sa tubig.

Pati sa loob ng mga bansa ay nagkakagulo. Sa US pinag-aagawan ng California, Utah, Nevada at Arizona ang daloy ng ilog. Sumiklab sa Bolivia ang Cochabamba Water War, 1999-2000, nang tangkain ng gobyerno isapribado ang ilog. Huwag na lumayo. Malaking isyu sa Greater Manila nu’ng Marso-Abril 2019 nang kapusin ang inumin sa east zone water concession, kaya Presidente mismo ang nakialam at naglutas.

Sa kasaysayan kritikal ang tubig. Nu’ng 13th century, nang mapag-isa ni Genghis Khan ang mga tribo ng Mo-ngols, nagtatag siya ng siyudad na may ilog. Hindi niya ito idinikit sa tubig, dahil dudumihan ng tao ang inumin; inilayo niya nang sampung kilometro para umigib sila. Sa Europe nu’ng Middle Ages naniningil ng toll ang mga baron sa mga bangkang tumatawid ng ilog. Sa Old Testament ng Bibliya, na kasaysayan ng Israel, pumayag magpaka­sal ang dalagang si Achsah nu’ng pamanahan siya ng amang si Caleb ng mga pastulan na napapaligiran ng mga bukal. ‘Yon ang naging teritoryo ng Judah, na kinikilala hanggang kasalukuyan (Joshua 15:16-17).

vuukle comment

WATER CRISIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with