^

PSN Opinyon

Ninakawan na, ginahasa pa

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ANG krimeng rape ay kadalasang ginagawa ng walang nakakakita. Kaya ang kredibilidad ng testimonya ng biktima o ng akusado ang magiging batayan para patunayan kung maysala o inosente ang sinasabing rapist. Ano ba ang basehan ng korte para mapatunayan kung sino ang nagsasabi ng totoo? Ang tinatawag na “circumstantial evidence” kaya kasama ng testimonya ng biktima ay sapat na para mapakulong ang akusado? Paniniwalaan at tatanggapin din kaya ang depensa naman ng kabila na may relasyon daw sa pagitan nilang dalawa? Anong depensa o palusot ba ang karaniwang katanggap-tanggap sa korte? Ang mga tanong na ito ang sasagutin sa kaso ni Clara.

Kasal si Clara kay Ray at mayroon silang dalawang anak na edad pito at siyam na taong gulang. Nakatira sila sa isang bahay na may tindahan at iisang silid-tulugan sa isang bayan sa timog. Lumipat sila sa islang iyon mula sa lugar na kanilang kinalakhan. Kasamang natutulog ni Clara sa kuwarto na katabi rin ng kusina ang kanyang dalawang anak pati pamangkin na trese-anyos na si Jayson, na anak naman ni Nessy na kapatid na babae ng kanyang asawa. Isa sa mga kapitbahay nila ay si Matt na ipinakilala pa mismo kay Clara ni Nessy.

Ninakawan na dati ni Matt ang tindahan ng mag-asawang Clara at Ray nang kunin nito ang P800 na benta, 22 bote ng alak, ilang bote ng gin at mga sabon na pampaligo. Inatake niya si Clara gamit ang kutsilyo sa kusina kaya kinasuhan siya para sa krimen ng pagnanakaw o robbery with physical injuries.

Isang buwan matapos ang pagnanakaw, habang wala ang kanyang mister na si Ray ay nagising sa kalabog ng nabasag na bagay si Clara bandang alas dos ng madaling araw. Kumuha siya ng flashlight at nagtungo sa kusina. Agad siyang sinunggaban sa kanang kamay ni Matt at sinundot ng matulis na bagay sa kanyang tagiliran sabay sinabihan na huwag sisigaw kung hindi ay papatayin siya.

Hinatak siya sa sahig ni Matt, kinuha ang flashlight at sinabihan na bawiin ang kasong isinampa niya. Nang hindi pumayag si Clara ay nagpambuno silang dalawa hanggang mapahiga sa sahig na lupa ang babae. Sa kabila ng kanyang paglaban ay nagawa siyang hubaran nito. Ilang sandali pa siyang nagpumiglas hanggang walang awang undayan  ni Matt ng saksak sa tiyan ng dalawang beses. Itinaas ni Matt ang dalawang kamay niya sabay dinaganan siya. Hinubaran siya ng panty at walang awang pinagsamantalahan ng buhong.

Nakalugmok sa sahig si Clara nang marinig ang tawag ng anak. Pinilit siyang paakyatin sa kuwarto ni Matt. Sa kuwarto ay nakuha ni Clara na sumigaw para humingi ng saklolo. Narinig siya ng bilas na si Rommel. Agad na tumakbo palabas ng bahay si Matt at doon lumusot sa kusina.

Makalipas ang tatlong araw, inaresto ng mga pulis si Matt. Nagsampa ng kasong rape si Clara. Nang makatapos ang paunang imbestigasyon ay isang information para sa kasong rape gamit ang ikinaso kay Matt na agad nakulong. Dinala naman ni Ray si Clara sa ospital  kung saan siya sinuri ng doktor at nakunan ng semilya pati nakitaan ng mga sugat.  (Itutuloy)

vuukle comment

CRIME

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with