^

PSN Opinyon

Pre-SONA nga naman

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

AMININ na natin na sayang lang ang ginawang Pre-State of the Nation Address (SONA) forum na ginanap sa mga lungsod ng Cebu at Davao.

Sayang ang perang ginastos na tiyak hindi lang P1 milyon ngunit umabot ng milyun-milyon dahil nga ang mga pre-SONA forum ay idinaos sa mga venue na mahal ang renta. Hindi pa kasali roon ang mga gastos sa catering at iba pang expenditures.

At ang expenditures din sa staff ng mga Cabinet secretaries concerned ng iba’t ibang departamento na kailangang mamasahe sa eroplano patungong Cebu City at Davao City sa magkahiwalay na mga pre-SONA forum. Dagdag pa ang mga hotel accommodation nila ng ilang araw. 

Kaya ko sinabing sayang ang ginastos dahil nga noong ginanap na ang nasabing last installment nila sa series of pre-SONA forum dito sa SMX Convention Center, SM Lanang Premiere noong Hulyo 17, kapansin-pansin na ang mga dumalo ay pawang mga regional staff, maging city at provincial personnel ng kada departamento na kasali sa forum.

Ibig sabihin ang mga naging participants sa forum ay pawang mga government officials at personnel din.

At kung may private sector man, mangilan-ngilan lang ang mga ito at mabibilang sa daliri. May ilang opisyal ng Davao City Chamber of Commerce at iba pa. 

Kaya nga kanino nagpabida ang pamahalaan sa pre-SONA forum na ‘yun? Mga supporters at naniniwala naman sila lahat sa Duterte administration ah. May kailangan pa ba silang kumbinsihin sa mga naroon?

Nakakatawa nga dahil ang mga naroon sa pre-SONA forum ay sila naman din ang mga gumawa sa accomplishment report na ibabahagi ni President Duterte sa kanyang 4th SONA bukas. 

Hinintay na lang sanang magsalita si President Duterte sa kanyang SONA bukas.

Masaklap ano?

vuukle comment

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with