^

PSN Opinyon

Kalaboso ang bugaw (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

PINARURUSAHAN sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) ang apat na klase ng krimen, (1) ang tinatawag na “trafficking” (Section 4); (2) ang anumang paraan ng trafficking (Section 5); (3) ang paglabag sa karapatan ng biktima ng trafficking ng akusado (Section 7) at (4) paggamit ng mga biktima ng trafficking sa prostitusyon pati ang pagbe­benta sa kanila (Section 11). Katumbas ng pagkakaiba ng mga krimen ay ang pagkakaiba ng mga parusang ipapataw kaya dapat na malinaw na ilagay ang klase ng krimen sa impormasyon. Ito ay ipaliliwanag sa kaso.

Ang kasong ito ay tungkol kina Rina at Domeng na parehong akusado sa paglabag ng RA 9208. Sa iisang impormasyon ay inakusahan  si Rina sa pagkalap, pagbiyahe at pagbubugaw sa tatlong babae. Dalawa sa kanila ay menor de edad at ang isa ay nasa hustong gulang. Si Domeng ang inakusahan na nagpapatakbo ng isang kuwarto ng apartment na tinitirhan niya bilang pugad ng prostitusyon kasabwat si Rina.

Sa loob ng ilang buwan, hawak ni Rina ang tatlong babae na binansagang “Bad Girls”.  Mga babaing bayaran sila na ipinakilala ng kapwa babaing bayaran kay Rina. Si Rina ang tumatayong bugaw na nag-aalok sa kanila sa mga lalaking customer. Kumikita si Rina ng P50 sa kada lalaking customer na magbabayad ng P300 at P200 naman sa nagbabayad ng P700.  Nakakabigay siya ng 5 kustomer kada linggo sa tatlong babae at dadalhin sila sa motel o kaya ay sa bahay ni Domeng para doon sila magtalik. Kumikita naman si Domeng ng P100 para sa 30 minutong paggamit ng kuwarto ng kanyang apartment.

Dahil sa tip ng isang human rights organization, gumawa ng imbestigasyon ang CIDG-WCD (Criminal Investigation and Detection Group-Women’s Complaint Division) at nang makumpirma na talagang nagkakaroon ng talamak na prostitusyon ay nagsagawa agad sila ng entrapment operation katulong ang DSWD (Department of Social Welfare and Development).  Si PO2 Santos at isang ahente ng organisasyon ang nagpanggap na customer at binigyan ng markadong pera, isang P500 at 15 pirasong P100.  Nang makarating sila sa lugar ay agad na lumapit sa kanila si Rina at inalok ang 3 babae kapalit ng P300 bawat isa at P100 bilang upa sa kuwarto. Nang gabing iyon, pinaalam ni Rina sa tatlo ang tungkol sa kanilang mga bagong customer at nakipagtagpo sa mga operatiba. Matapos mabigay ang pera kay Rina ay dineklara ng mga pulis na raid ang nagaganap at agad na hinuli ng kanilang back-up sina Rina at Domeng. Kinumpiska sa kanila ang markadong pera at kinasuhan sila sa paglabag ng RA 9208. (Itutuloy)

vuukle comment

ANTI-TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with