^

PSN Opinyon

Congrats, NTC

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY dahilan ang taumbayan na magsaya sa achievement­ ng National Telecommunications Commission (NTC). Naging­ epektibo ang tandem nina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba at ng dating Department of Information and Communications Technology (DICT) acting secretary na si Usec. Eliseo M. Rio sa paglilingkod sa mamamayan. Pihong itotodo pa ang pagseserbisyo sa mga Pilipino consumer ngayong nakaupo na si former Senator Gringo Honasan bilang bagong kalihim ng departamento.

Mapapasimulan na ng third telco player na Dito Tele­community Corporation (dating Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. o Mislatel) ang paglalatag ng kable at pag­­tatayo ng imprastruktura matapos ibigay sa kanila ni Presidente Rodrigo Duterte noong Lunes sa Malacañang ang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN).

Ang pangako ng Dito sa publiko ay 37.03% national co­verage na may average speed na 27 Mbps sa unang taon ng kanilang operasyon next year. Isa sa campaign pro­mises ni Duterte ang pagkakaroon ng isa pang telco player. Kaya nagtrabaho nang husto sina Cordoba at Rio upang matupad ang kautusan ng Presidente.

Ani Cordoba, ang pagpasok ng Dito ay magpapasigla sa kompetisyon ng mga telco players at magreresulta at aangat ang kalidad ng serbisyo sa telekomunikasyon. Ma­papakinabangan na ng mga telco subscribers ang tinata­wag na “mandatory unlocking of mobile phones and devices” na ipinag-utos ng NTC sa mga telecommunications company. Ibig sabihin, kapag nag-expire na ang lock-in period, magiging open line na ang mobile phone o device mo. Puwede ka nang makapamili ng gusto mong mobile network provider.

Nanguna ang NTC sa pagpasa ng batas sa mobile number portability na naglalayong gawing permanente ang nu­­mero ng mobile phone user sa kanyang SIM card kahit magpalit pa siya ng mobile network o mag-postpaid mula prepaid o vice versa at wala itong charge. Congrats din sa Globe at Smart, ang dalawang higanteng telco dahil agad sinang-ayunan ang implementasyon ng “common tower policy” na ipinanukala ng NTC. Ito ay makapagpapababa sa gastusin sa operasyon ng mga telco at makakarating na ang signal kahit sa mga liblib na lugar. ‘Di ba ang ganda?

vuukle comment

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with