^

PSN Opinyon

Nasirang pangako ni President Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGSISIMULA pa lang ang karera sa speakership sa Maba­bang Kapulungan, ipinauna na ni Presidente Duterte na hindi siya manghihimasok sa pagpili ng magiging Speaker. Dapat naman para magkaroon man lang ng semblance of independence ang Kamara de Representante.

Ngunit naging mainitan at personalan na ang labanan ng mga pumupuntirya sa posisyon kaya mismong mga mambabatas na ang humingi ng saklolo sa Pangulo para siya na ang pumili. Malapit na ang pagsisimula ng session at malaking gulo kung patuloy ang pagtatalo ng mga Kongresista kung sino ang itatalaga nilang leader.

Kaya ang kinalabasan, term sharing ng dalawang Kon­gresistang malapit sa Pangulo. Sina Rep. Alan Peter Caye­tano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Si Rep. Martin Romualdez na isa rin sa mahigpit na contender sa Speakership ang magiging Majority leader. Si Rep. Alvarez na naging Speaker na noon ay nawala na sa eksena.

Sabi ng Pangulo, talagang ayaw niyang makialam sa pagpili ng leader ng Kamara de Representante pero napi­litan siya dahil sa posibleng pagkakahati ng Kamara na ang mga miyembro ay may kani-kaniyang manok na ipi­nakikipaglaban. Ang katuwiran noon ni Duterte kung bakit ayaw niyang mag-endorso ng Speaker ay sapagkat ang mga kumakandidato ay pare-pareho niyang kaibigan. 

At naniniwala ako na totoong ayaw ng Pangulo­ na mag-en­dorso ng magiging Speaker, Pero sa kadulu­-du­luhan­, wala siyang nagawa kundi ang mag-endorso para ma­­iwasan ang gridlock at posibleng gulo sa Kamara. Re­sulta - term sharing nina Cayetano at Velasco para wa­lang ma-displease sa mga Solons na malapit sa kanya. Pakunsuwelo kay Romualdez na siya ang magiging Majority Leader. Si Alvarez naman ay hindi naging epektibo nang una siyang maging Speaker kaya may dahilan para hindi siya mapili.

Kung tutuusin, noon pa man ay iminu­­mungkahi na ni Cayetano ang term sharing­ nila ni Velasco kaya batid na niya noon pa kung papaano tatakbo ang isip ni Duterte sa issue. True enough, natupad ang kanyang suhestyon. Kaya naniniwala ako na pinakamalapit pa rin sa Presidente si Cayetano dahil sinunod nito ang mungkahing term sharing.

Well, Iyan ang realidad sa politika na mahirap nang magbago. Hindi tayo puwedeng maging idealistic para hangarin ang isang Kongresong malaya ang kaisipan at hindi nadidiktahan ng Pangulo.

vuukle comment

KAMARA DE REPRESENTANTE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with