^

PSN Opinyon

Bigtime ‘magic’ sa PAGCOR?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TIGNAN n’yo nga naman. Akala natin panalo na tayo sa sinasabing “Philippine Offshore Gaming Operations” o POGO, dahil malaki raw ang maipapasok na kita sa kabang-bayan ng Philippines my Philippines.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Yun nga raw PAGCOR ay nakakolekta ng P7.365 billion income mula sa POGO noong 2018, o mahigit 10% ng P67.85 billion kinita nito.

Tumaas pa nga raw ng 18% ang kinita nito mula 2017.

Natutuwa ang Chief Kuwago,  kahit na galing sa sugal ang kinita ng ating gobyerno, baka kasi makakatulong ito sa madlang people?

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago, na mismo ang DOLE, ay nagrereklamo na rin na nawawalan ang ating gobyerno ng P22 billion mula sa mga buwis na dapat nakokolekta mula sa mga dayuhang nagtratrabaho sa mga POGO. 

Kabuwisitan lang pala ang inabot natin!

Bakit?

Sagot - Libre o lusot sila sa taxes pero ang madlang Pinoy workers ay automatic na kinakaltasan ng buwis sa gusto o ayaw nila!

Sabi nga, automatic ang tax deduction from the company!

Ang ordinaryong kita raw ng mga manggagawa nito ay P78,000 monthly. Ang nakakapanting ng tenga nang mari­nig ko na 82% pala sa mga manggagawa nito na mahigit 76,000 ay mga dayuhan. 

’Yung mga Chinese workers na lang mahigit 56,000 na ang dami.

Ano ba ‘yan, ni tabla-talo hindi tayo makabuwelo. 

Sabi ni Labor Secretary Bebot Bello, kailangang habulin ang mga hindi bayad sa buwis na mga buwisit na taxevader na mga dayuhan. 

May P22 billion ang lugi sa income taxes para sa gobierno ang hindi nakokolekta ng mga bright sa Philippines my Philippines.

Tingnan na rin natin kung paano sila nakuha para ma-empleyo at ano ba talaga ang kanilang trabaho na hindi kaya ng madlang pinoy workers.

May 57 accredited POGO na nangangailangan ng 10 service provider bawat isa. Dapat 570 ang dami ng mga ito, o mahigit 627 na kumpanyang online, kahit na 50 Chinese workers sa bawat IT-support company, mga 31,350 manggagawa sa suma total.

Ang mga may permit pa lang ay 76,000 na mula sa DOLE at Bureau of Immigration. 

‘Hindi ako ganung kagaling sa aritmetik pero sigurado akong nagkakagaguhan na sa pagdami nito,’ sabi ng kuwa­gong SPO-10 sa Crame. 

Nangangamoy na ang paligid ng PAGCOR sa baho kung korupsiyon lang ang pag-uusapan dahil tiyak may mga kumikita sa ganitong sistema?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Dapat yata makalampag para malaman ni Boss Digong na namamayagpag na naman ang mga henyong kriminal na nakikisawsaw sa mga POGO na nagkalat sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago, may isang mala­lim na aso este mali kaso pala tungkol sa isa sa mga POGO operator na nabigyan ng lisensiya last June 2017, na na-magic pa ang US$1.8 million arrears nito matapos pakialaman ng isang talunang mambabatas na taga-southern part of the country dahil daw napakiusapan ang isang abogado na brod nito na taga-PAGCOR na sindikato este mali fraternity brother niya na.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago, noong 2018 pinuersa na ng PAGCOR na magbayad ito kahit isang buwan na utang na umabot na mahigit $2 million para marenew ang lisensiya. Matapos maayos ng operator, biglang ginawang sports betting ang negosyo kaya $40,000 na lang kada buwan ang obligasyon. Hehehe!

Ika nga, nagkautakan! 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago, ang siste nawala pa ng todo-todo na parang  bula ang mga utang nito noong nakaraang Disyembre.

Nakakainsulto na dahil niloloko lang tayo ng mga taong nakikinabang habang tubong lugaw ang kinikita sa mga sugalang ‘yan dahil na rin sa  tulong ng mga dorobong taong-gobyerno na nababalatuan sa operasyon nila.

“Okay naman” daw kung tama lang ang patakbo. Ang siste parang saklaan ang nangyayari, marami ang pumapatong?

Sabi nga, ang laging panalo lang dyan, ang salamangkerong bankero!

Ano sa palagay ninyo?

Abangan. 

vuukle comment

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with