^

PSN Opinyon

Ingat sa LPG

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT po tayo sa binibili nating LPG tanks at baka iyan ay substandard na ginawa ng mga walang “k” na manufacturers.

May programa ang Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) para masusing bantayan ang mga ilegal na pagawaan ng propane tank o tangkeng sisidlan ng liquified petroleum gas (LPG) sa Metro Manila. Ngunit bakit nakalulusot ang mga ilegal na pagawaan na hindi sumusunod sa mga itinakdang quality standards?

May reklamo tayong tinanggap tungkol sa umano’y underground na pagawaan ng LPG o propane tank sa Valenzuela City. Ito umano ay pagaari ng isang Chinese national na nagngangalang Peter.

Ayon sa mga nagreklamong negosyante, ang nabanggit na planta ay may PS Mark mula sa DTI-BPS. Sa kabila nito, wala umanong makinarya o heavy equipments para makabuo ng LPG tank. Sinasabing maging ang mga trabahador ay hindi pinapayagang pumasok sa planta kapag walang delivery. Kaya nakapagtataka na nabigyan ng DTI ng permiso ang pagawaang ito. Ayon  sa ilang trabahador ng planta sa Valenzuela City, lumilitaw na nagmula sa China ang mga pira-pirasong tangke ng propane tank na lulan ng container van ang ipinapasok sa pagawaan tuwing madaling araw sa loob ng isang buwan.

Dito na ina-assemble ang  mga pira-pirasong bakal na kalawangin at sa pamamagitan ng welding equipment, iba pang gamit at spray paint ay nabubuo ang tangke na sinasabing hindi dumaan sa masusing pagsusuri ng Bureau of Phil. Standard ng DTI at DOE. Kung magpapatuloy ito, peligroso ang mga consumers sa posibleng pagsabog ng mga tangkeng ito. Hindi kasi dumaan sa electrochemical, electro magnetic, advanced materials technology at ang temperature at humidity ang LPG tanks kaya maari itong sumabog at magdulot makamatay sa gumagamit nito. 

Sakaling isailalim sa masusing pagsusuri ang  LPG o propane tank ay hindi maaninag ang manufacturing date (MFG date).  Layunin ng kinauukulang ahensya ng gobyerno ay protektahan ang mga tumatangkilik ng colorless gas na nasa LPG o propane tank. Nagkalat sa Metro Manila at karatig lalawigan ang produkto ng  illegal trade kaugnay sa LPG tank na sinasabing mapanganib.

Panawagan sa kinuukulang ahensya ng pamahalaan partikular na sa National Bureau of Investigation (NBI) na gumawa ng aksyon laban sa underground LPG tank manufacturer bago pa makapaminsala sa taumbayan. 

 

vuukle comment

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with