^

PSN Opinyon

Isinapubliko na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISINAPUBLIKO na ang resulta ng imbestigasyon ng Philip­pine Coast Guard at Maritime Industry Authority (PCG-Marina) at ang rekomendasyon ay magsampa ng kaso sa barkong pangisda ng China na bumangga sa F/B Gem-Ver 1 noong Hunyo 9 na naganap sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

Unang nagpahayag si DFA Sec. Teodoro Locsin na ang resulta ng imbestigasyon ay “hindi nagpinta ng magandang larawan sa tauhan ng Gem-Ver”. Pero nang ilabas ang kabuuan ng resulta, iginiit na hindi maliit na bagay ang naganap dahil lumubog nga ang barko at nalagay sa peligro ang mga tauhan ng Gem-Ver. Hindi ito “little maritime accident” lang. 

Malaki ang pananagutan ng barko ng China. Malinaw na pagkabangga sa Gem- Ver ay umikot, pinatay ang ilaw at umalis. Talagang inalam na may nabangga nga, sabay alis na hindi man lang inalam ang kalagayan ng mga tauhan ng nabanggang bangka.

Hindi ito nasagi lang na tila inaabsuwelto na kaagad ang bumangga sa mga Pilipino. Kung sinadya man o hindi ay hindi natukoy ng imbestigasyon, bagay na ikinadismaya ni Sen. Panfilo Lacson. Malaking bahagi dapat ito sa imbestigasyon. Pero ang pag-iwan sa mga tauhan ng lumulubog na bangka ay malaking paglabag sa UN Convention on the Law of the Sea at International Convention for the Safety of Life at Sea.

Sinita rin ng imbestigasyon ang mga pagkukulang ng Gem-Ver, karamihan ay dokumentasyon at lisensiya ng mga tauhan pati na rin na masyadong maraming nakasakay sa bangka at kawalan ng lookout. Pero ang mga pagkukulang na ito ay maliit kumpara sa mga ginawa ng barko ng China. Sinabi ko na noon na mas may obligasyon ang barkong pangisda ng China na magkaroon ng lookout dahil sila ang umaandar sa kadiliman ng gabi.

Sila ang dapat may malakas na ilaw para makita ang binabaybay nila. Kung hindi sinasadya ang pagkabangga ay nakaiwas sana sila. Iginiit ng PCG-Marina na kailangang sumunod ang lahat ng barkong pangisda sa mga alituntunin hinggil sa kaligtasan sa karagatan. May rekomendasyon na dapat magkaroon ng modernong kagamitan partikular sa nabigasyon ang mga bangkang magpapalaot.

Ano naman kaya ang magiging resulta ng imbestigasyon ng China? Nakita na natin na gumawa ng salaysay na pinaligiran daw ang kanilang barko ng pito o walong bangkang pangisda ng Pilipinas, kaya nagmamadaling umalis. Napatunayang hindi totoo.

Hindi rin totoo na sinasagip na raw ng mga bangkang iyon ang tauhan ng Gem-Ver kaya umalis na lang ang barkong bumangga. Kailangan daw kasuhan ang mga barko ng China para hindi malambot ang katayuan ng bansa sa insidente, kundi baka maulit. Naganap sa loob ng ating EEZ at nalagay nga sa peligro ang ating mga kawawang mangingisda. Kung kakasuhan naman ng gobyerno ang China ay ibang usapan dahil alam natin na lumalapit nang husto ang administrasyon sa China. 

vuukle comment

TEODORO LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with