^

PSN Opinyon

Terorista, aktibo pa rin sa ating bansa

KUNSABAGAY - Tony F. Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAHIRAP talagang pulbusin ang mga terorista. Parang hindi sila nababawasan. Kung dati Abu Sayyaf lang ang aktibong terorista sa bansa na pinakamatinding kalaban ng gobyerno maliban sa mga NPA, ngayon marami na rin ang mga grupong nagsusulputan at idagdag pa riyan ang mga international terrorist na nakakapasok sa ating bansa.

Ang nakababahala nito, nagkalat na sila sa buong bansa dahil umabot na sila rito sa Luzon. Hindi na tayo dapat pa­kampante dahil hindi natin nalalaman, naninirahan na pala sila sa ating lugar.

Naulit na naman ang pagsabog sa Sulu, hindi na sa mataong lugar kundi sa mismong kampo na ng mga sundalo. Meron na namang kababayang nagbuwis ng buhay dahil sa kagagawan ng mga terorista at ang nakakabahala, isang Pinoy ang suicide bomber. Naakit na nila ang mga Pinoy na maging suicide bomber. Sana mapigilan ito ng militar. Huwag nilang tantanang bombahin ang mga pinamumugaran ng mga terorista.

Mabuti ngang mapuksa na ang mga ito upang matigil na ang kanilang paghahasik ng gulo sa bansa. Hindi naman sila lumalaban ng parehas dahil mga sibilyan ang madalas nilang binibiktima. Wala silang pakialam mapa-bata man o matanda ang nasa lugar na kanilang pasasabugin.

Maging mapagmatyag sa ating paligid dahil may mga nahuling miyembro ng Abu Sayyaf group na nagpapanggap na sibilyan. Nakakapasok sila ng trabaho hawak ang ibang pangalan pero nagmamanman lang ang mga ‘yan. Paka­wala ‘yan ng mga lider. Matatalino ang mga terorista dahil pi­­nag-aaralang mabuti ang mga lugar bago taniman ng bomba.

Tripleng ingat saan man tayo mapagawi lalo na sa pa­mamasyal sa parke at mga malls. Kunsabagay, mahigpit ang seguridad sa mga malls ngayon dahil matinding kapkapan at inspection ng mga guwardiya na tama nga naman para sa ating kaligtasan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with