^

PSN Opinyon

Masamang larawan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON kay DFA Sec. Teodoro Locsin, “nagpipinta ng hindi magandang larawan ng ating mga mangingisda ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Coast Guard sa insidente sa Recto Bank”. Ang kusinero lang daw ang gising habang tulog ang iba, at hindi raw sigurado kung nakasindi ang kanilang mga ilaw. Wala raw lookout ang mga Pilipinong mangingisda.

Dagdag pa raw ng kusinero, mukhang hindi sila nakita ng barkong pangisda ng China nang banggain sila. At hindi lang daw sila basta iniwan. Umatras lang at umalis. Ayaw na magbigay ng karagdagang detalye si Locsin at wala raw siyang pahintulot para magsalita. Pero nagpahayag na may kasalanan din ang mga mangingisda ng F/B Gem-Vir 1.  

Sino ba ang dapat may lookout, ang nakahinto o ang umaandar? Ang mga nakaparadang sasakyan ba sa kalsada ang dapat may bantay, o ang mga drayber ng umaandar ang dapat mas mag-ingat? Mas may obligasyon bang umurong ang nakahinto o umiwas ang umaandar? Hindi ba dapat mas may pag-iingat ang barko ng China dahil sila ang umaandar sa kalagitnaan pa ng gabi, hindi na bale ang nasa loob sila ng ating EEZ?

Ang mga malalakas na ilaw nila ang dapat nakasindi dahil sila ang umaandar. Kung nakita nila ang Gem-Vir, naka­iwas sila. Maliban na lang kung talagang ayaw nilang makita sila. Bakit nga ba mabilis ang takbo ng Chinese vessel sa hatinggabi? Kung mabagal lang ang takbo, baka nauntog lang ang Gem-Vir. Pero nasira nga ang Gem-Vir at lumubog, na ang tingin ng mga taga-administrasyon ay sagi lang.

Dapat tapusin na raw ang isyung ito dahil naaapektuhan na raw ang relasyon sa China. Masyado raw ginagatasan ng mga kalaban ng administrasyon umano ang insidente sa Recto Bank. Ang gusto ng mga opisyal ng administrasyon ay tumahimik na lang, partikular si Locsin na siya lang daw sa “goddamned country” na ito ang nakakaintindi kung ano ang nangyari sa Recto Bank, at insidente lang talaga ang naganap.

At paano na ang pag-iwan sa mga mangingisda natin? Napakasama ng kanilang ginawa. Hindi ba sila pananagutin ng bansa? Panagutin naman kaya ng China? Kailan ba umamin ng pagkakamali ang China? Ang sasabihin lang naman ay sa kanila ang buong karagatan kaya tayo ang dapat makisama, hindi sila.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

TEODORO LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with