^

PSN Opinyon

Beijing walang pakialam sa buhay o karapatan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

UTOS ni Mao Tse-tung na maghasa sa kutsabahan at propaganda ang komunista. Kaya mapanlinlang ang mga naghaharing kadre sa China. Pakitang-tao nila itinataguyod ang batas at kapakanan ng mga api. Pero makapangyarihang diktador militar ang Chinese Communist Party.

Nangangamba ang mga taga-Hong Kong. Napipin­tong bawiin ng Beijing ang pangako nu’ng 1997 na panatilihin ang demokrasyang ipinamana ng Britain. Kunwari’y nais lang ng Beijing na magkaroon ng extra­dition, para litisin sa mainland ang mga kriminal sa Hong Kong. Pero ang totoong balak ay tanggalan ng karapatang pulitikal ang mga taga-isla. Labing-apat na dissidents na ang biglang nawala sa Hong Kong tapos lumitaw sa mainland na naka-posas at napiit. Kung anu-anong sakdal ang ipinataw, kesyo pangmomolestiya o panggagantso. Isang Hong Kong publisher ng libro tungkol sa eskandalo ng mga naghaharing komunista ay kinidnap sa Thailand at iprinesenta sa mainland. Ang kaso ay road violation na sampung taon nang nakalipas.

Isang milyon ang nag-martsa sa Hong Kong kontra sa Beijing. Sinagot sila ng tear gas at plastic bullets. Bagamat natural na hindi makasali ang mga bata, matanda, negosyante, empleyado at marami pang iba, minaliit ang mga demonstrador na kesyo menorya lang ng pitong milyong mamamayan ng isla. Inaasahang da­damputin at kakasuhan silang lahat. Inaresto na ang mga sugatan sa ospital.

Ugali ‘yun ng komunista. Hindi nila inalintana ang pagpapasagasa at pagpapa-machinegun sa mga tangke ng sampu-sampung libong kabataan at manggagawang naghahangad ng kalayaan sa Tiananmen Square nu’ng 1989. Ipinagmamalaki pa na matatag daw ang China ngayon dahil sa katigasan noon ng Communist Party. Bale-wala ang 1.2 milyong pinalayas sa mga tirahan para itayo ang Three Gorges Dam. Bale-wala ang 20 milyong namatay sa gutom nu’ng Great Leap Forward ng 1950s at 2 milyon nu’ng Cultural Revolution ng 1960s.

vuukle comment

BEIJING

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with