^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bangis ng air pollution

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bangis ng air pollution

NAKAGIGIMBAL ang report na 120,000 Pilipino bawat taon ang namamatay dahil sa pagkalang­hap ng hangin na may lason. Ayon pa sa report, number 3 ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na marami ang namamatay sa air pollution. Nangu­nguna ang China at ikalawa ang Mongolia.

Karaniwang pinagmumulan ng hangin na may lason ang ibinubugang usok ng mga sasakyan partikular na ang mga dyipni na karaniwang yumayaot sa mga kalsada. Walumpung porsiyento na pinang­gagalingan ng air pollution ay mula sa mga hindi nami­mintinang sasakyan o mga karag-karag na. Pinakamalala ang air pollution sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang maru­ming hangin ay nagdudulot ng non-communicable diseases (NCDs). Kabilang sa mga sakit na nakukuha dahil sa pagkalanghap ng hangin na may lason ay allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Unang tinatamaan ng sakit ang mga pasahero at pedestrians dahil sila ang nakalantad sa maruming hangin. Araw-araw nilang nalalanghap ang maruming hangin na dulot ng mga sasakyan. Bukod sa usok ng mga sasakyan, nalalanghap din ang usok ng mga sinunog na basura, goma, plastic at iba pang harmful wastes na delikado sa kalusugan.

Sa inilabas na data ng DENR-Environmental Management Bureau, ang air pollutant concentrations sa Metro Manila ay umabot na sa 130 micrograms per normal cubic meter (NCM). Ang maximum safe level ng air pollutant concentration ay 90 micrograms per NCM. Ngayong 2019, tiyak na mas mataas na ang level ng air pollutant concentrations.

Sabi ng isang health official, hindi nabibigyang pansin ng gobyerno ang isyu ukol sa air pollution. Hindi ito binibigyang halaga gayung dapat ay unahin ito sa­pagkat nakasalalay dito ang buhay ng mamamayan.

Tungkulin ng Department of Environment and Na­tu­ral Resources (DENR) na mapangalagaan at mapa­dalisay ang hangin. Sila ang nararapat magpatupad at gumawa ng hakbang para masawata ang mga nagpaparumi sa hangin sa Metro Manila at kalapit na lungsod. Kung naisaayos ni DENR Sec. Roy Cimatu ang dagat sa Boracay at Manila Bay, bakit hindi ang pag­lilinis sa kalawakan ng Metro Manila. Ipatupad niya ang puspusang paghuli sa smoke belchers parti­kular na ang mga lumang sasakyan na nagdudulot ng air pollution. Isalba ang Metro Manila sa pagkamatay dahil sa lumalaganap na hangin na may lason.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

POLLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with