^

PSN Opinyon

Alyas ‘Papa G’, ang ‘sex maniac’ sa NAIA-BI

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PAGALA-GALA sa mga international terminals ng NAIA ang isang alyas ‘Papa G’ na sinasabing sex maniac sa paliparan dahil ginigipit ng gago ang mga employees na mga magaganda, bata at mga seksing bebot kaya naman ‘crying like a cow’ ang mga sumbungera habang nagkukuento sa Chief Kuwago.

Ayon sa mga sumbungera, hindi lang sila magkaroon ng lakas ng loob na i-reklamo si alyas ‘Papa G’ sa Office of the Ombudsman, dahil natatakot silang mawalan at gipitin sa kanilang trabaho kaya nagtitimpi muna ang mga ito at naghihintay ng magandang pagkakataon para labanan ang manyakis na kamote.

Ipinakita pa ng mga bebot na mina-maniac ni ‘Papa G’ ang mga text messages na ipinadadala sa kanila kung hindi sila susunod sa kalibugan na gusto nito. Take note, SOJ Meynardo Guevarra, Your honor!

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga sumbungera, ipinagmamalaki pa raw ni alyas ‘Papa G’ na malakas siya kay SOJ Guevarra at hindi sila paniniwalaan kung dito magsusumbong o magrereklamo.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang pala bago sa mga bebot sa airport ang pangma-maniac ni alyas ‘Papa G’ dahil sa BI Central Office ay ginagawa na rin niya ang kanyang kalibugan sa mga bebot na empleada na magaganda sa office nila.

Ano kaya ang masasabi rito ni BI Commissioner Jaime Morente na may manyakis pala itong trabahador sa BI?

“Karamihan kasi ng mga nakapaligid kay manyakis ay mga beautiful women kaya grabe siyang malibugan sa mga ito,” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas ‘Papa G’ ay isang ‘ACDC’, dahil manyakis  ito sa babae at pumapatol at nakikipag-relasyon din sa mga lalaki na magpapabago ng kanyang buhay. Hehehe!

“Nabaliw kaya pinatulan ni alyas ‘Papa G’ ang isang kelot na opisyal sa DOJ nang makita ito matapos pumunta sa opisina ng baklita kaya naman nakuha niya ang pangarap niya sa NAIA ng maglabing-labing at maglampungan sila,” sabi ng kuwagong bangag.  

“Ambisyoso si alyas ‘Papa G’ magaling ito sa harapan pero grabeng manira kapag nakatalikod ang kanyang ilalaglag.”

“Delikadong kaibigan si alyas ‘Papa G’, basta naisipan ka niyang ilaglag tiyak yari ka!”

Ano ba ito?

Abangan.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with