^

PSN Opinyon

Ang Barangay 182, Zone 16 sa Gagalangin, Tondo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SIGURO kailangan maimbestigahan ang pakaang-kaang na si Barangay Chairman Jaime Llorente ng Barangay 182 Zone 16, sa Gagalangin, Tondo, dahil masiadong mabagal itong umaksyon sa mga problema ng kanyang nasasakupan. Take note, DILG Secretary Eduardo Año, Your Honor!

Sabi nga, mahirap itong hanapin at nagtatago pa?

Sa madaling salita ‘walang’ ginagawa para tumulong sa mga nangangailangan niyang mga constituents na may mga problema sa kanilang lugar.

Ano ba, Llorente, aba kumilos ka naman!

Sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag may problemang idinudulog kay burongoy kawatan este mali kay Jaime, halos hindi ito makita dahil pirming wala.

Bakit kaya?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala sa barangay hall at wala rin sa bahay kaya naman hirap hanapin ito ng madlang people na may problema sa kanila.

Sabi nga, nagtatago?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw itong umaksyon sa mga problemang idinudulog lalo’t tag-ulan ngayon, hindi umano ito nagpapalinis ng kanal o imburnal sa kanilang lugar?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dating mga kalsadang hindi binabaha noon ay binabaha na ngayon dahil ang mga imburnal at kanal dito ay barado sa mga basura.

Ika nga, walang linisan o declogging na pinagagawa si Kapitan Barbel este mali Llorente pala.

Ano kaya ang masasabi ni newly elected Manila Mayor Isko Moreno kapag umupo ito dito at makarating sa kanya ang mga hinaing at sumbong ng mga botante niya?

Sabunin kaya ni Isko si Llorente? Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Llorente ay wala umanong ginagawa para maresolba ang mga problema sa kanyang AOR?

Ang mga sugalan naman sa nasabing barangay ni Llorente ay talamak pati ang droga dito ay grabe as in grabe at hindi binibig­yang pansin?

Bakit kaya?

Dapat sigurong kalampagin ni Major General Guillermo Eleazar ang MPD Precinct 1, para malaman ang lalim ng operasyon ng illegal vices sa barangay ni Llorente at sungkitin ang pumapatong dito. 

Ganito rin ang dapat gawin ni PDEA director Aaron Aguino, ipakapa niya sa kanyang mga ahente ang lawak ng illegal drugs sa lugar ni Llorente.

Kamakailan lang ay binakbakan ng Chief Kuwago si Llorente dahil sa sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nanumpa-numpa pa ito sa reklamador na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para resolbahin ang problema ng mga ito.

Ano ang nangyari?

Sagot - Napako ang pangako!

Sabi nga, puro buladas.

Naku ha!

Ano ba ito?

Abangan.

vuukle comment

EDUARDO AñO

JAIME LLORENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with