^

PSN Opinyon

Tuloy ang ligaya sa jueteng

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KAHIT ang mga nakaraang administrasyon hindi kinayang mapahinto ang illegal na jueteng. Kahit na anong pigil ang gawin ay tuloy pa rin ito sa patagong operasyon. Gaya nga ng sinabi ko, namamantikaan ang labi mula kapitan ng barangay, pulis, mayor, governor at congressman.

Dati nga, ultimo si dating President Erap ay nakinabang sa jueteng money. Damay lahat yan sa lagayan kaya mahirap burahin ang jueteng dahil pinuprotektahan ito. Di ba kadalasang jueteng money ang namamayani tuwing panahon ng kampanyahan.

Kahit si Pres. Digong ay suko na ding patigilin ang jueteng. Di tulad ng sinabi nya noon na wawasakin ang illegal na sugal at droga sa bansa na hanggang ngayon ay patuloy na namamayagpag. Di ba nagbigay pa ng hangganan sa loob ng anim na buwan. Anyare kuya?

At umasa naman ang marami sa atin pinanghawakan ang sinabi ni Digong pero ngayon iba na ang ihip ng hangin biglang bawi sa jueteng mas mabuti raw ang jueteng kaysa droga.

Para sa akin, walang pinagkaiba ang jueteng at droga parehong apektado ang taong sugapa sa sugal at droga. Pag wala nang maipangsugal at maibili ng droga magnanakaw na ang mga ‘yan at kung anu-ano na ang umuukit sa kanilang isipan. Pareho lang ‘yan dahil hinahanap-hanap ng katawan ng tao.

Maihahalintulad ang jueteng sa sakit na cancer. Hindi ito kayang supilin sapagkat nagkalat na ang operasyon sa buong bansa pati mga liblib na lugar. Madali lang ang tayaan dito dahil kahit P1.00 ay puwedeng ipantaya. Kaya nga tinawag itong poormans lottery. Maraming sumubok tumaya nagbabakasakaling manalo.

Tuloy ang ligaya ng mga kubrador ng jueteng. Kung noo’y patagu-tago ang kanilang pagpapataya ngayon lantaran na dahil parang binigyan na sila ng permiso.

vuukle comment

ILLEGAL GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with