^

PSN Opinyon

China nanlusob muli nito lang 2012-2019

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BATAY sa mga mapa ng Kastila at dokumento ng Amerikano, bahagi ang Scarborough Shoal ng teritoryo ng kolonyang kapuluan. Ipinasa ‘yon ng Spain sa America sa Treaty of Washington nu’ng 1900, at isinalin ng America sa Philippine Commonwealth nu’ng 1935. Tinuring ‘yon ng UN arbitral court nu’ng 2016 na traditional fishing grounds ng mga Pilipino, Chinese at Vietnamese. Pero Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang nagpapatrolya doon hanggang 2012.

Nagkagirian ang Pilipinas at China sa Scarborough nu’ng Pebrero-Abril 2012. Sinita ng Philippine Navy ang mahigit 30 lantsang Hainanese na ilegal na nag-aani ng endan­gered fan corals, taklobo (giant clams), pawikan (sea turtles) at pating. Sinaklolohan ng siyam na Chinese coast guard at maritime enforcement vessels ang mga mapanirang Haina­nese. Nagkasundo sila na sabay umatras, pero tuma­likod ang Beijing sa usapan. Mula noon hindi na binitawan ng Beijing ang Scarborough.

Setyembre 2012 biglang sinakop ng mga mangingisdang Chinese ang Senkaku Islands, Okinawa, Japan. Aali-aligid ang Chinese coast guard at maritime enforcement. Binangga ng mga nanghihimasok na mangingisdang Chinese ang Japanese coast guard craft. Buti na lang walang namatay sa panggugulo. Umatras ang Chinese.

Makalipas ang dalawang taon, nagdala ng giant oil rig ang Chinese Navy at tinangkang ilapag ito sa Paracel Islands ng Vietnam. Pinagbabangga ng Vietnamese coast guard ang Chinese warship, hanggang umalis sa kahihiyan sa masamang balak.

Kasabay nu’n kinongkreto ng China ang anim na bahura sa West Philippine (South China) Sea. Nauna rito, 1995, ginawa ring artificial island fortress ng China ang Mischief Reef. Ang pitong bahura ay nasa 200-mile exclusive economic zone at 150-mile extended continental shelf ng Pilipinas, pero 650 milya mula pinaka-malapit na pampang ng China.

Nitong 2019 tinangka ng China agawin ang Sandy Cay, Palawan.

vuukle comment

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with