^

PSN Opinyon

Term sharing, bad sa Duterte agenda

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG term sharing sa posisyon ng House Speaker ay may up and downside. Maaaring ito ay “win-win solution­” kapag ang Presidente ay may dalawa o higit pang napupusuang Kongresista para sa puwesto. Pero ang paghirang ng Speaker ay ginagawa hindi sa dahilang political. Ito ay para tiyaking maisusulong nang mayos ang lahat ng priority bills ng administrasyon.

Nangangamba ang isang beteranong kongresista na maaaring mabalam ang legislative agenda ni Presidente Rodrigo Duterte sa ideya ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano na term-sharing para sa Speaker ng Kamara de Representante.

Ani Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, mauudlot­ ang mga panukalang batas sa kapakanan ng mga mama­mayan kung may dalawang House Speaker na maghahati sa bagong Kongreso. Sa panukala ni Cayetano, siya muna ang pupuwesto at si Marinduque Representative Lord Allan Velasco naman pagkatapos niya.

“Ang bawat House Speaker ay palaging mayroong sariling team na inilalagay sa mga komite at iba pang importanteng posisyon at kung papalitan sila, hindi magkakaroon ng continuity at mahihinto ang deliberasyon sa mga importanteng batas,” aniya.

Noong 17th Congress, marami sa mga priority bill ni Presidente Duterte ang hindi nakapasa, kabilang dito ang mga panukalang batas ukol sa ekonomiya at social servi­ces. Dagdag pa ng mambabatas mula sa Surigao del Sur, mawawalan ng katatagan ang Lower House at hindi sila mapapakali sa trabaho ng kanyang mga kasamahan dahil sa term-sharing agreement. Kinunsulta rin umano ni Cong. Velasco ang mga kapwa niya kongresista sa isyu at ayon sa kanya, marami sa mga ito ang tutol sa term sharing.

Kaya kung sino man kina Cayetano, Allan Velasco  Romualdez o Alvarez ang mahirang na Speaker, dapat bigyan ng full term at huwag nang hahatiin pa para  magkaroon ng continuity sa agendang nais maisulong ng Palasyo. 

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with