PH nasa US of A Tier 1 noon, huwag sanang maging Tier 3 ngayon
NAPANATILI ng Philippines my Philippines ang Tier 1 status nito sa US of A government’s list ng mga bansa na sumusunod sa mga internasyonal na pamantayan upang labanan ang human trafficking.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Manila ay nasa top tier category sa loob ng apat na magkakasunod na taon mula noong 2016.
Sabi nga, paano ngayon?
Alam ninyo bang inalis sa listahan ng US of A ang Philippines my Philippines mula sa trafficiking blacklist tatlong taon na ang nakakaraan.
Ika nga, marami ang natutuwa kabilang siyempre ang government of the Philippines my Philippines at ang US of A.
Sana nga, mapanatili nila ang tiwala nila na labanan ang human trafficking kaya lang may mga gago sa NAIA ngayon na parang mga anay na sumisira sa imahe ng kanilang bureau at ng Philippines my Philippines.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana ang gobyerno ng Philippines my Philippines sa pagpapatakbo ng administrasyong Duterte ay ganap na makatugon sa minimum na mga pamantayan para wakasan ang human smuggling?
Ika nga, maging seryoso lalo para mapanatili ang Tier 1 ng US of A?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagsumikapan para maiwasan ang trafficking ng mga Filipino migrant workers at upang tulungan ang mga naging biktima ng trafficking at magkaroon ng masusing imbestigasyon para maparusahan ang mga nagmalabis sa tungkulin sa pakikipagsabwatan sa mga sindikato ng human smuggling.
Ano sa palagay ninyo?
Abangan.
Galit ako sa’yo
IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO. nanggagalaiti sa galit si alyas Ricky ‘the living dead,’ ang utak ng human smuggling sa Mactan International Airport sa Chief Kuwago, dahil sa mga pagbubulgar na ginagawa ng huli laban sa una.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may ipinagmamalaking padrino si alyas Ricky ‘the living dead’ na sumasalag sa kanyang kagaguhan at sila ay from Davao raw?
Hawak ng Chief Kuwago ang ‘personnel order’ ni alyas Ricky ‘the living dead’ na pirmado ni BI Commissioner Jaime Morente pa noong June 7, na nagsasabing sibak na ito sa kanyang present duties and responsibilities sa kanyang lungga r’yan sa MCIA pero up to now ay kapit tuko pa rin ang kamote sa kanyang puesto. Hehehe!
Bakit kaya?
Sayang ang limpak-limpak na salapi na kinikita niya at ang kanyang handler na si Papa G na ayaw pang ilabas ang P.O?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguro dapat nang kalusin ng Cebu-NBI si alyas Ricky ‘the living dead’ para matigil na ang human smuggling sa MCIA.
Sana nga!
Abangan.
- Latest