^

PSN Opinyon

Pinasama ni Tambungan ang imahe ng PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALAMPASAN kaya ni P/Brig. Gen. Christopher Tambu­ngan ang kamalasang sinapit matapos manakit ng babaeng pulis! Nabuking ang ginawa ni Tambungan nang mag-viral ang CCTV footage kung saan kitang-kita ang paghampas niya sa ulo at pagsalya ng pinto ng sasakyan kay P/Cpl. April Santiago noong May 12, 2019. Ikinagalit ni Tambu­ngan ng hindi mabigyan ng patrol car para maeskortan patungo sa isang restaurant na pagkikitaan nila ni PNP chief P/Gen. Oscar Abayalde. Lingid kay Tambungan, nakatutok­ pala ang CCTV sa lugar, hehehe! Maging si National Ca­pital Region Police Office chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar ay nagalit nang mapanood ang footage. Ito ang naging daan para mahikayat ang babaeng pulis na kasuhan si Tam­bungan.

Naging tikom ang bibig ni Cpl. Santiago na magreklamo dahil mataas na opisyal ang babanggain. Subalit marami ang kumamping pulis kay Cpl. Santiago at hinikayat na ituloy ang reklamo sa NCRPO Regional Women and Children­ Protection Division. Doon na nagsimula ang kamalasan sa buhay ni Tambungan. Ipinag-utos agad ni Gen. Albayalde na alisin si Tambungan! Ang masakit, si Tambungan ay mag­reretiro na sa Disyembre kaya nanganganib na malusaw na parang bula ang milyun-milyon nitong benepisyo. Kaya nagpalakpakan ang mga pulis sa Manila Police District sa sinapit ni Tambungan. May kahalintulad ding pananakit sa 2 opisyal ng MPD si Tambungan ng siya ay nasa Manila’s Fi­nest pa. Nakasampa pa umano ang kaso nito sa Ombuds­man, at ngayon na may CCTV footages na pruweba sa pananakit nito kay Cpl. Santiago tiyak na swak na swak na ito. Sana, maging leksiyon ito sa iba pang mga opisyales ng PNP na mahihilig manakit ng kanilang mga tauhan.

Samantala nalalagay naman sa balag ng alanganin ang 4 na pulis nang mahuli ng mga tauhan ni Integrity Monitoring and Enforcement Group director P/Col. Romeo Caramat Jr na nagsusugal at umiinom ng beer sa Baragay Bagong Lipunan, Quezon City.  Kinilala ni IMEG director Caramat na sina  P/Senior Master/Sgt. Demetrio Laroya, P/Staff Sargent Erwin Gobis at  Cpl. Ariel Pasion ng naka-assign sa PNP Health Service at P/Staff Sargent Gerry Ocampo ng PNP Crime Laboratory. Hindi natatakot ang mga buhong na pulis sa kautusan ni President Duterte kaya tuloy-tuloy ang kanilang paglaklak at pagsusugal. Ang dapat dito sa apat na pulis at ipa-life style check ni Caramat upang malaman kung saan galing ang winawaldas na pera.

vuukle comment

APRIL SANTIAGO

CHRISTOPHER TAMBU­NGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with