^

PSN Opinyon

Nagsimula na ang tag-ulan

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKARARANAS na tayo ng paminsan-minsang buhos ng ulan. Sa mga susunod na araw, may papasok ng bagyo. Ang tanong, nakahanda na ba tayo? Habang wala pang bagyong paparating, umpisahan na nating linisin ang kapaligiran, lalo na ‘yung mga lugar na madalas bahain.

Alisin ang mga basurang nagkalat sa kanal. Magba­yanihang linisin ang mga ilog at esterong namumutiktik sa basura. Hindi na tayo natuto sa pagtatapon ng basura. Di ba kapag binabayo tayo ng bagyo, bumabalik sa atin ang lahat­ ng basurang tinapon natin kung saan-saan?

Tayo na mismo ang magpasimuno sa paglilinis ng ating nasasakupan. Kung puwede sana huwag nang hintayin ang abiso galing sa gobyerno o kung sino man. Para sa akin, maiiwasan ang mga sakit na dengue at leptospirosis kung paiiralin lang natin ang kasipagan. Una sa ating tahanan tanggalin natin ang mga bagay na puwedeng pamugaran ng lamok. May ugali tayo na kung kailan nandiyan na ang sakuna saka tayo kumikilos. Sabi nga nila, kung hindi pa tayo pukpukin, wala tayong kusang palo.

Ang barangay din ay may malaking papel tungkol sa kalinisan. Dapat pamunuan ng barangay captain at sangguniang barangay ang paglilinis sa kanilang nasasakupan. Magpaskil ng mga karatulang “tapat ko linis ko” sa bawat kanto ng inyong nasasakupan upang may batayan ang mamamayan sa inyong lugar ng dapat nilang gawin.

Gawing tandem ng mamamayan at barangay na pa­natilihin ang kaayusan at kalinisan sa nasasakupan. Kung mangyayari ‘yan hindi na natin kailangang sumilong sa evacuation centers.

Pairalin lang natin ang disiplina at hindi natin dara­nasin ang baha. Tulad ng sinabi ng yumaong si Macoy “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”.

vuukle comment

RAINY SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with