^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ayudahan, PH fishermen na ‘binangga at tinakasan’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ayudahan, PH fishermen na �binangga at tinakasan�

HABANG isinusulat ito, wala pang inilalabas na pahayag ang pamahalaan sa ginawang pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank noong nakaraang linggo. Pagkaraang banggain, tumalilis ang barko ng China habang unti-unti namang lumulubog ang Gem-Vir 1 na may 22 mangingisda. Nasagip ang 22 nang saklolohan ng mga mangingisdang Vietnamese­. Sabi ng kapitan ng Gem-Vir 1, sadya silang binangga ng Chinese vessel. Nakaangkla raw sila nang banggain. Nawasak ang unahang bahagi ng bangka. Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang mga crew ng Gem-Vir 1. Nagdulot iyon ng trauma.

Sabi naman ng tagapagsalita ng China Embassy, hindi raw sinadya ang pagbangga sa bangka ng mga Pinoy. Hindi rin daw intensiyong iwan. Natakot lang daw ang barko sapagkat pinaligiran ng iba pang bangkang pangisda ng mga Pinoy. Wala raw magawa ang Chinese vessel kundi ang umalis na lamang para hindi makuyog.

Pero may report na hindi naman pinaligiran ng mga bangkang pangisda ng mga Pinoy ang barkong bumangga. Isang satellite image ang nagpapakitang walang nakapaligid na mga bangka sa barko ng China. Hindi ngayon malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Pero ang tiyak at hindi mapapasubalian, sinadya ng barko ng China na banggain ang Gem-Vir 1. Malinaw na dinetalye ng kapitan ng Gem-Ver 1 ang mga pangyayari kaya sigurado siyang sinadya silang banggain. Mayroon daw silang ilaw kaya imposibleng hindi sila nakita ng barko ng China.

Grabe ang pagkasira ng bangka at hindi na maa­aring gamitin. Ayon sa report, P500,000 ang nawala sa mga mangingisda sapagkat pati ang kanilang mga huling isda ay natapon lahat dahil sa pagbangga.

Problema ngayon ng mga mangingisda kung saan kukuha nang ipakakain sa kanilang pamilya. May mga anak silang pinag-aaral. Sabi pa ng mga mangingisda, baka tumigil ang mga anak nila sa pag-aaral dahil sa pangyayari na nawalan sila ng pagkakakitaan.

Ayudahan ang mga mangingisda sa pagkakataong ito. Kung wala pang maipasya ang pamahalaan kung magsasampa ng reklamo o hindi sa mga “nag-hit and run”, mas mabuting unahin muna ang pagtulong sa mga kawawang mangingisda. Kailangan nila ng gagas­tusin para sa pamilyang umaasa sa kanila.

vuukle comment

CHINESE VESSEL

RECTO BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with