^

PSN Opinyon

Imbentor ng balita

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAPAPAILING ako sa mga walang katotohanang balitang nagsusulputan. Tanong ko sa aking sarili, ano kayang benepisyo ang nahihita ng mga nag-iimbento at nagkakalat ng mga fake news? 

Alam na halos ng buong bansa ang aksidenteng sinapit ng beteranong aktor na si Eddie Garcia na ngayo’y wala pa ring malay na nakaratay sa pagamutan. 

Ang nakakakulo ng dugo, may mga iresponsableng bloggers na naghahasik ng fake news na patay na ang multi-awarded actor.  Galit ba sila kay Manoy o sadyang natutuwa sila habang marami silang mga taong napapaniwala? Cheap amusement! 

Buhay pa ang tao ay pinapatay na nila. Kahit nitong mga nakalipas na panahon, kagaya ng yumaong comedy king na si Dolphy.  Ilang beses na ring naibalitang patay na si Manoy pero hayan at kabi-kabila pa ang mga shooting at ayaw paawat kahit pa nobenta anyos na siya. A great actor indeed!

Sa halip na magpakalat ng mga pekeng impormasyon,  ipanalangin natin ang kagalingan ng isang dangal ng lahi tulad ng nag-iisang Eddie Garcia. 

Hindi ba alam ng mga walang magawang ito na deli­kado ang paghahasik ng balita na patay na ang isang tao kahit ito’y buhay pa? Ipaghalimbawa na lang na narinig ito ng isang kaanak, at ito ay nabigla at nauna pang na­matay? 

Fake news is no fun! Dapat patawan ng mabigat na parusa ang rumor mongering dahil nakawawasak ito sa pagkakaisa ng bansa. 

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with