^

PSN Opinyon

Butas sa mga proseso

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HININGI na ni Pres. Rodrigo Duterte na magbitiw ang mga opisyal ng PhilHealth, dahil sa nasiwalat na “ghost dialysis” kung saan nakakasingil pa ang dialysis center­ para sa patuloy na serbisyo kahit pumanaw na ang pas­yente. Pinag-iisipan na maglagay ng mga dating doktor sa militar at pulis. Hindi na siguro nakapagtataka iyan at napakarami nang ahensiya sa administrasyong ito ang pinamumunuan ng mga dating heneral ng AFP o PNP.

Kahit lubusang may tiwala pa rin si Duterte kay Roy Ferrer­, presidente ng PhilHealth, dapat nang palitan­ ang mga opisyal dahil na rin sa laki ng halagang nawala umano­ sa PhilHealth. Higit P100 bilyon umano ang nawala sa pan­­loloko, bagay na itinanggi naman ng PhilHealth. Nasa P300 milyon daw ang nawala sa panloloko. Maliit na ha­laga rin ba iyon?

“Command responsibility” ang tinatawag ng mga sundalo diyan, kung mga dating sundalo rin lang ang ipapalit. Hindi puwedeng idahilan na hindi alam ang naga­ganap sa ahensiya. Dapat alam lahat, lalo na kung na­pu­­puna ang malaking halagang pera na lumalabas sa PhilHealth.

Dapat hindi naunahan ng mga whistleblower ang PhilHealth kung sinasabing may nagaganap nang imbes­tigasyon, para hindi magmukhang hindi nila inaaksyunan ang reklamo. Kung sila ang nauna sa media, ibang istorya na siguro ito. Kung ilang taon na umano nagaganap ang “ghost dialysis”, dapat napansin na.

Iba naman ang sinasabi ng may-ari ng WellMed. Ang isa sa mga may-ari ay hawak na nga ng NBI. Ayon sa kanya, ang mga whistleblower ang may pakana ng scam, at hindi sila. Turuan na nga. Pero saan ba napupunta ang tseke ng PhilHealth kapag nagbabayad na?

Ang alam ko ay nasa pangalan ng ospital o kompanya, hindi sa pangalan ng empleyado. Kung sasabihin na ang mga nagsusumbong ngayon ang nasa likod ng panloloko sa PhilHealth, paano sila kumikita? Maliban na lang kung may kasunduan ang mga may-ari ng kompanya at ang mga empleyadong nagpapadala ng singil sa PhilHealth, hindi ba? Baka may hatian silang pinag-usapan.

Nagsampa na nga ng reklamo ang whistleblowers at PhilHealth laban sa WellMed. Kaya kasuhan na nga. Malalaman na lang natin kung paano napairal ang ganitong kalokohan at sana ay may matutunan para mapatibay ang sistema ng PhilHealth laban sa pandaraya.

Hindi lang sa dialysis, kundi sa lahat ng sakit na saklaw ng obligasyon ng PhilHealth. Sigurado hindi lang sa dialysis may panloloko, dahil may butas nga ang mga proseso ng PhilHealth. 

vuukle comment

GHOST DIALYSIS

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with