^

PSN Opinyon

Maynila kayang ibalik sa dating ningning

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KA-448 na taon ngayon ng Maynila. Sana maibalik itong capital ng Pilipinas sa dati niyang ningning. Nitong nakaraang ilang dekada naging sobrang dumi, ingay, baho at dilim ang maraming parte nito. Dahil ito sa trapik, dagsa ng mga dayo, pagkakalat ng basura, at kapabayaan.

Sayang, kasi namumukod-tangi ang Maynila, sa mga lungsod sa metropolis, na merong karakter. Maynila lang ang may kombinasyon ng bago at luma, makasaysayan pero mo­derno rin at maraming tanawin.

Meron itong Fort Santiago, old Intramuros, kalyeng cob­blestones, at mga lumang pader, palatandaan ng pagtakda dito ng mga Kastila na sentro ng kolonya. Maraming lu­mang templo, mosque, at simbahan -- ilan lang ang Quiapo Mosque, Quiapo Church, San Agustin Church, Manila Cathedral, Binondo Church, Malate Church, Santa Ana Church, Ellinwood Church -- sagisag ng malayang sampa­lataya. Naroon ang orihinal na Post Office Building at Kongreso. Kasama ang huli at ang dating gusali ng Departments of Agriculture at Finance, ito ngayon ang National Museum. Nandu’n ang Malacañang, Supreme Court, City Hall.

Merong dagat ang Maynila, at malaking ilog na humahati sa hilaga at timog nito. Merong boulevard sa kahabaan ng Baywalk, yacht club, Navy headquarters, Ocean Park, Manila Hotel, malls, at restoran.

Merong pier, Rizal Park, zoo, sports stadium, at mga matatandang paaralan: University of Santo Tomas, Letran, San Sebastian, San Beda at University of the Philippines. At siyempre, Central Bank at reclamation.

Naroon ang Tutuban, at Light Rail Transit-1 at 2. May tourist district (Ermita-Malate), commercial (Santa Cruz-Di­visoria), industrial (Pandacan, San Nicolas) at residential (Sampaloc, San Andres).

Kapos ang espasyong ito para ilista lahat. Linisin at ilawan sana ang paligid-ligid; ayusin ang trapik; puksain ang kalat, usok, ingay, at krimen. Bago na ang pamunuan ng lungsod. Hikayatin sana nila ang mga Manileño na itaas ang capital city na mahal ng lahat ng Pilipino.

vuukle comment

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with