^

PSN Opinyon

Pati PhilHealth hindi pinalampas

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

SOBRA na. Grabe na ha.

Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa utak ng mga gumagawa ng fraudulent claims sa PhilHealth na posible pang aabot nang higit P200 billion ang nakulimbat ng mga mapagsamantala at walang kaluluwang nilalang.

Yumayaman ang mga manloloko habang marami tayong­ kababayan na ninanais makinabang sa benefits ng PhilHealth ngunit hindi makakakuha dahil nga hindi sila miyembro nito. Ito yung bago naaprubahan ni President Duterte ang Universal Health Care Law. 

Mabuti na lang at nabisto ang modus operandi ng mga gahamang nilalang bago lumala. Tiyak na lilimasin nila ang pondo ng PhilHealth.

Ang dami nating kababayang nagkakasakit at nanga­ngailangan ng medical attention. Malaki sana ang maitu­tulong ng PhilHealth ngunit nangangamba ngayong hindi na magampanan ang tungkulin ng ahensiya na tulungan ang mga may sakit at walang-wala sa buhay.

Nangako si Duterte na aaksiyunan agad-agad ang problema sa PhilHealth at nang sa ganun ay masolusyunan ang nauubos na pondo nito. 

Tiyak na sa mga susunod na araw, marami pang mabibisto sa patuloy na paghalungkat ng katiwalian sa PhilHealth. 

Kaabang-abang kung matatalakay din ba ang nawa­walang pondo noong panahon ni Sen. Risa Hontiveros sa PhilHealth. Abangan. 

vuukle comment

FRAUDULENT CLAIMS

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with