^

PSN Opinyon

Palit-pangalan para matakbuhan ang atraso!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI kailanman trabaho ng BITAG ang mamahiya o makasira ng isang negosyo. Subalit kapag hinaluan ng kalokohan, kagaguhan at panlalamang, ako mismo magpapasara sa inyo.

Walang karapatan ang anumang establisimento na bigyan­ ng prebilehiyong magnegosyo kung mang-aabuso’t manloloko lang ng publiko.

Maraming ganitong klase ng employer o kompanya ang naglipana, madalas pa nga ng mga nabibiktima ay mga kontraktwal na manggagawa tulad ng mga construction workers­ na per project ang trabaho.

Isang halimbawa, etong mga delinkuwenteng emplo­yer na malakas ang loob mananggapan ng mga tauhan. Pero hindi nagpapasahod ng tama, walang benepisyo, inaalila’t ginugulangan pa ang mga manggagawa.

Ang siste, kapag nagipit na sa dami ng atraso ay nag­la­lahong parang mga bula, biglang magsasara ang kom­panya. Ang mga suwitik, nagpalit na sila ng pangalan ng kompanya sa akalang matatakasan ang kanilang gusot.

Ang talagang nakakabuwisit pa ay kung anu-anong drama ang gagawing patutsada ng mga ito. Andiyan ang nalugi na raw at wala nang pondo.

Ang tanong, bakit parehong negosyo’t pamunuan pero iba ang address at pangalan na ng kompanya? Trabahong dorobo ‘yan mga boss!

Lalong laganap ang ganitong modus ng mga delinkuwen­teng kompanya dahil mas madali raw magsara at gumamit na lang ng bagong pangalan sa negosyo kaysa bayaran ang mga pagkakautang.

Siyempre ang unang maiisip ng mga naloko nila ay madismaya lalo na’t wala na silang habol dahil iba na ang pangalan ng kompanya. Samantalang happy-happy na ang delinkuwente dahil sa pag-aakalang ligtas na sa mga atraso.

Pero mali ang akala nila, dahil nasasaad sa mandato ng Securities and Exchange Commission (SEC) at sa ilalim ng Sec. 77 ng corporate law ng Pilipinas na kahit nagpalit o nagsara na ang isang negosyo ay nakikita pa rin bilang isang “active” na kompanya ito sa loob ng 3 taon upang tumanggap at humarap sa anumang kasong maaring isasampa sa kanila.

Gayundin ang Department of Trade and Industries (DTI) na anumang biglang pagpapalit ng pangalan ng isang negosyo ng hindi ito napaparehistro, ito man ay isang korporasyon o kooperatiba ay labag sa batas ayon sa Act No. 3883 o batas na nagbabantay sa paggamit ng mga business name ng isang negosyo.

Kaya malinaw na isang paglabag sa batas ang estilong ng mga manlolokong kompanya na nagpapalit kaagad ng mga pangalan para makaiwas sa kaso at asunto ng mga nilokong empleyado.

O may alam kayong negosyong ganito? #ipaBITAG n’yo na. Takbo na sa #PambansangSumbungan

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with