^

PSN Opinyon

Mahirap mapako ang pangako

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG mahirap magbitIw ng pangako ang sino mang leader ng bansa lalo pa’t may balidong rason kung bakit hindi niya agad ito matutupad. 

Umaalma na ang mga public school teachers dahil hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay ni Presidente Duterte ang naipangako niyang wage increase. May dahilan silang umalma, ngunit may rason din ang Pangulo na hindi agad maipagkakaloob ito. Saan kukuha ng pondo para maipatupad ang wage increase? 

Pero naniniwala ako na ang pahayag ng Pangulo ay hindi lang pangakong pulitiko na napapako kundi pangakong tutuparin niya. Sana. 

Hiningi na ng Pangulo ang pang-unawa ng mga guro at hiniling na bigyan pa siya ng panahon para maibigay sa kanila ang kinakailangang umento.

Kung tutukoy tayo ng pinakamahalagang propesyon,  wala nang uuna pa sa bokasyon ng pagtuturo. Kung wala ito, wala ring ibang propesyon tulad ng medisina, abogasya, ekonomista at iba pa na kailangan sa pagpa­paunlad ng bansa. Ang pagtuturo ang ina ng lahat ng sa­ngay ng karunungan. 

At naniniwala ako na kulang pa rin ang sahod ng mga teachers na ang ilang gamit sa paaralan gaya ng chalk ay sila pa ang sumasagot. Kahit naitaas na ang kanilang sahod na ngayo’y higit pa sa tinatanggap ng mga nasa private schools, kailangan pa rin itong itaas ang level upang umakma sa dignidad ng kanilang bokasyon.  

Kung mayroon man silang chalk allowance, hindi pa rin ito sapat. Ayon sa Malakanyang inatasan na ng Pa­ngulo ang kanyang mga economic advisers na pag-aralan kung saan puwedeng kunin ang pondong gagamitin para maitaas ang suweldo ng mga guro. Sana nga ay habaan pa ng mga guro ang kanilang pa­sen­sya.  Sana. 

vuukle comment

PUBLIC SCHOOL TEACHERS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with