^

PSN Opinyon

Pagsubok, pabuya

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAGING palaisipan ang hayagang pagtanggi ni Senador Cynthia Villar na sumuporta sa pananatili ni Senador Vicente Sotto bilang Pangulo ng Senado. Huling huli sa ca­mera ang pagkasuya ng Senadora habang kausap sina Senador Pacquiao at Pimentel.

Kung inaakalang sa Mababang Kapulungan lamang nagkakaroon ng iringan tungkol sa usapang pamunuan, ang kabanatang ito sa Senado ay patunay na maging ang Mataas na Kapulungan ay nahawa rin.

Inaasahan naman talaga ang tensyon sa patuloy na panungkulan ng mga nakapuwesto tuwing may pagbabago ng administrasyon. Sa Senado man, kahit kalahati lang ng bilang ang napapalitan at yung iba ay nananatili sa puwesto, hindi maiwasan na pag-usapan ang liderato ng Kamara. Siyempre, kapag bago na ang nakaupo, hindi masabi kung ano o kung sino ang kanilang pipiliing suportahan.

Sina Senate President Sotto at Senadora Villar ay kapwa mahuhusay na lingkod bayan. Hindi matatawaran ang lawak ng kanilang karanasan sa legislative branch. Kahit sino man sa kanila ay maaasahang makapaghahatid ng serbisyo na nasa pinakamataas na antas. Subok na ang liderato ni Senate President Sotto. Si Senator Cynthia naman ay respetado ng marami – mismong ang taong bayan ang nagluklok dito bilang No. 1 Senator.

Pagpatak ng July 1 ay pihadong bibisitahin muli ng Senado ang isyu ng kung sino ang mamumuno. At di tulad ng House of Representatives na malamang lamang ay plan­tsado na ang desisyon bago magbukas ang sesyon, marahil ay hanggang sa huling sandali ay kakailanganing pag-usapan ng Senado – kasama na ang mga bagong miyembro – kung papaano ito magpapatuloy at kung sino ang Boss. 

Maging sino man ang tanghalin na Senate President o Speaker of the House, hindi maiiwasan na dumaan ang kanilang institusyon sa ganitong mga pagsubok. Sa huli ay lalong tumitibay at lumalakas ang loob ng ating mga Senador at Kongresista matapos nilang pagdaanan ang masalimuot na proseso tungo sa pag-papaayos ng kani-kanilang kabahayan. 

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with