^

PSN Opinyon

Ang modus na ‘unfit to work’

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang respeto at paghanga ko sa overseas Filipino workers (OFWs) na tinatawag na mga bagong bayani. Tini­tiis ang lungkot at pagod para sa magandang buhay na nais ibigay sa pamilya.

May mga minamalas na kalbaryo ang inaabot sa mga dayuhang employer at may talaga namang gumanda ang buhay. Etong mga sinusuwerte na ito na umuulit na magtrabaho sa ibayong dagat ay tinatawag na balik-mangga­gawa. Subalit nakalulungkot na pagdating sa Pinas ay may mga manggagantsong ahensiya na kasapakat ang mga dorobong klinika na bumibiktima sa ating mga balik-manggagawa. Eto ang modus ng “unfit to work”.

Kung dati ay mga bagong aplikante lamang ang target ng modus na ito para paulit-ulit na magbayad ang mga biktima. Ngayon, mga balik manggagawa na nais bumalik magtrabaho sa ibayong dagat. Sadyang ibinabagsak at sinasabing “unfit to work” ang resulta ng medical examinations. Hindi kasi magkakapera ang mga lintik na dorobong klinika at agency sa mga balik manggagawa, hindi sila mababayaran sa kanilang mga serbisyo. Isa ito sa mga prebilehiyo ng OFW, walang babayaran sa mga ahensiyang mag-aayos ng kanilang papeles palabas muli ng bansa.

Marami nang mga ganitong klinika at ahensiya na nahulog sa aming BITAG. Nasa Bitag Official YouTube channel ‘yan, dokumentado ang bawat galaw ng kanilang modus. Paglilinaw ni Dr. Rosendo Sualog ng Department of Health (DOH), may karapatang mamili ang sinumang aplikante ng klinika para sa kanyang medical examinations. Siguraduhin lamang na ang klinika ay accredited ng DOH.

Samantala, ang mga aplikanteng seafarers daw ay tanging sa nakalaang clinic ng maritime agency lamang puwedeng kumuha ng medical dahil ang principal emplo­yer naman ang may sagot sa gastusin. Kapag sumailalim sa second opinion ang isang OFW na nabigyan ng “unfit to work”, kailangang dumaan sa pagsusuri ng DOH ang re­sulta ng pangalawang medical examination.

Mandatong kilalanin ng mga klinika ang resulta ng pagsusuring gagawin ng kagawaran. Kapag napatunayan ng DOH na “fit to work” ang isang aplikante, dapat na itong bigyan ng medical clearance.

Marami pang dumarating sa aming tanggapan na ganito ang reklamo. May mga kasalukuyan na kaming tinatrabaho at mapapanood n’yo yan sa mga susunod na episode ng Bitag New Generation. Kung may kahalintulad na sumbong o reklamo, makipag-ugnayan agad sa BITAG. Mga bagong aplikante man o balik manggagawa, nakahanda ang aming strike force.

vuukle comment

UNFIT TO WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with