^

PSN Opinyon

Ginawang basurahan ang ating bansa

Tony F. Katigbak - Pilipino Star Ngayon

DITO ako humahanga kay Pres. Digong Duterte kahit siya masalita ay nakikitaan naman natin siya ng paggawa. Tinagurian mang kanto boy at palamurang Presidente, masasabi kong action man naman siya. Kaya siya binoto ng higit 16 milyong Pilipino dahil may sarili siyang style ng panunuyo sa ating mga kababayan. Si Digong ang unang Presidenteng galing Mindanao. Nagmula sa pagka-mayor ng Davao City at lundag agad sa Presidente ng Pilipinas.

Ngayon tungkol naman sa usapin ng basura na tinapon sa atin ng Canada, South Korea, Australia at Hong Kong. Aba’y anong klaseng kaibigang bansa naman ang mga ito? Ginawa naman na nila tayong basurahan. We are a sovereign nation and should be treated with respect. Siguro naman ay meron silang mga dumpsite sa sarili nilang bansa, bakit kailangan pa nilang magtapon ng dumi nila sa ating bansa? Hindi kaya may sabwatang nangyayari riyan? Basta’t pera ang umiral, may himalang namamagitan diyan di ba?

May magandang resulta ang galit ni Digong sa Canada dahil sa ngayon ay  bumibiyahe na pabalik sa kanilang bansa ang 69 containers na basura. Tira-tira na lang yan dahil ang iba ay naitapon na sa ating mga dumpsite. Kung hindi pa nagbanta si Digong ay parang pagong kung kumilos ang Canada na animo’y ayaw kunin ang sarili nilang basura. Sa pagkakaalam, ko mahigpit ang Canada pagdating sa basura. Hindi kaya ang basurang itinapon sa atin ay galing sa ating mga kababayan na nagnenegosyo sa Canada? Sana mali ako ng akala pero malakas ang kutob ko sa sitwasyong ito.

Sana ganyan din ang gawin ng Australia at Hongkong. Magkusang hakutin ang kanilang basura. Tulad ng ginawa ni Digong sa US na ibalik ang Balangiga Bells ay nakitaan natin ng resulta kaya huwag nilang subukan ang kakayahan ng ating Presidente.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with