^

PSN Opinyon

May puso at political will si Digong

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MULING pinatunayan ng Presidente ang kanyang ma­lasakit sa mga mahihirap nang pirmahan niya ang Republic Act 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Nais niya na magtuluy-tuloy ang pagbibigay ng financial aid sa mga naghihikahos na pamilya para magkaroon ng improvement ang kanilang kalusugan, nutrition at education. Bagama’t istrikto at matapang, malambot at malaki ang kanyang puso sa pagtulong sa mga mahihirap kaya siya minahal, una ng mga residente ng Davao City at ngayon ay nang buong bansa. Patunay na marami ang nagmamahal kay Duterte ay nang manalo sa election ang mga sinuportahan niyang kandidato. Patunay din ang pamamayagpag ng kanyang trust rating.

Sa ilalim ng RA 11310, ang pamahalaan ang magbibigay ng conditional cash transfers sa mga qualified poor households sa loob ng 7 taon. Kabilang sa mga qualified sa programa ay ang mga mahihirap na magsasaka, mangingisda, homeless families, indigenous peoples  mula sa informal sector, at ang mga nakatira sa isolated at disadvantaged areas, kabilang ang mga lugar na wala pang elektrisidad. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangangasiwa nito. Ang mga pamilyang nagnanais na maging beneficiaries ng 4Ps ay kailangang taglay ang qualifications na classified poor ng DSWD at poverty threshold na issued ng Phi­lippine Statistics Authority. Galit si Duterte sa corruption kaya pinabubusisi ang mga tatanggap ng 4Ps.

* * *

Hindi tama ang pagpabor ni Department of Energy Assistant Secretary Redentor Delola sa isang supplier ng kuryente sa Mindanao kaya naghain si Aasenso Party-list Rep. Teodoro Montoro ng House Resolution para imbestigahan si Delola. Hindi umano dapat nakialam si Delola sa usapin ng Western Mindanao Power Corp. (WMPC) sa kadahilanang siya ay naging tauhan ng Aboitiz Group. Si Delola ay nagsilbi sa Aboitiz Power Distribution Utility (APDU) mula  2014 hanggang maupo sa DOE. Sa tingin ko tama ang mambabatas na maimbestigahan si Delola sapagkat may “conflict of interest”. Dapat itong makarating kay Digong.

vuukle comment

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with