^

PSN Opinyon

Sa BITAG ang babala, sa publiko ang pag-iingat

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TOTOONG madiskarte ang mga Pinoy kaya’t kahit na kakarampot ang hawak na pera, madali itong mapapalago. Subalit minsan dala ng sobrang “desire” na mabilis dumoble o trumiple ang pera, nadedenggoy ng mga malikhaing manloloko.

Matagal na ‘tong mga estilong pyramiding scheme o mas kilala bilang networking. Kung dati produkto ang ipinupronta para magmukha silang lehitimo. But what’s the catch? Kikita­ ka lang pag naghikayat ka pa ng iba para maging downline­ member mo. Marami nang nahulog sa BITAG na mga kum­panyang nasa likod ng illegal na pyramiding o networking, kinasahan pa kami ng iba na hindi naman sila umubra. Ngayong panahon ng millennial, iba na ang tawag sa kanilang raket. Investment na, may bago pa ngang palusot, “donasyon” daw. Etong bagong nireklamo sa aming tanggapan, Clickmax Online Marketing. Ang ininvest umano na P1,500 ng isang miyembro ay magiging P3,000 sa loob lamang ng anim na araw nang walang kahirap-hirap.

Ayan na naman, maraming naglalaway sa “easy money. Bukod dito, bawat bagong recruit na investor ay may dag­dag na P200 sa kita ng miyembrong nagpasok. Ayon kay NBI Special Investigator Aldrin Mercader ng Anti-Fraud and Action Division, maituturing na iligal at isang scam ang “methodo­logy” ng negosyo ng Clickmax. Linawin natin, NBI ang maysabi niyan hindi kami, baka may umangal na naman. Sa sumbong ng biktimang lumapit sa Bitag, sa umpisa raw, talagang maganda ang takbo ng negosyo. Ang ipinapasok na pera, naibabalik nang may malaking kita. Pero makalipas lang ang ilang buwan, ang ininvest na pera, hindi na nila nakukuha pa. Ang masaklap, wala ng kasiguraduhan na maibabalik pa.

Ano pa nga ba ang iyong aasahan sa pagkita ng perang hindi pinagpaguran? Sa una, papainan at patitikimin ka muna ng sarap pero sa katagalan, ipararanas naman sa’yo ang pang­matagalang sakit sa ulo at hirap. Sa kolum na ito, patuloy akong magbibigay babala. Huwag makiuso sa mga investment kunong negosyo. Magtaka ka na kung ang alok sa’yo ay malaking balik na kita nang nakatihaya o nakatunganga ka lang. Iba ang usapan sa stock market dahil may gumaganang utak at mga lehitimo’t higanteng negosyo riyan.

Nasa BITAG ang babala, nasa publiko ang pag-iingat. Pero kung gusto n’yong sumugal dahil sa katigasan ng inyong ulo, #balakayojan. Marami na kasing biktima, ayaw maniwala sa mga babala’t anunsiyo. Matapos malimas ang pera saka tatakbo kay BITAG. Ang masaklap, nagsarado na ang kompanyang inirereklamo! Tandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko. Kung meron kayong alam na ganito ang estilo at “on going” ang inyong transaksiyon, #ipabitag mo na!

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with