^

PSN Opinyon

‘May kalalagyan ang mga hambog at maangas 2’ (Solusyon, Aksiyon)

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KUNG ang Diyos ay nagpapatawad, ano ba naman ang BITAG Pambansang Sumbungan para ipagkait ang pag­kakataong magbago at ituwid ang nagawang pagka­ka­mali ng mga inirereklamo sa aming tanggapan.

Nabasa rito sa aking kolum noong nakaraan ang sumbong ng limang promding helper na idinulog sa amin. ‘Yung kanilang Tsinoy na amo na P5,000 lamang ang pasahod sa kanila kada buwan ay hindi pa naibibigay.

Sa ora mismong aksiyon at imbestigasyon ng BITAG, sa tulong ni Atty. Cho Vergara, hepe ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), napag-alaman naming­ walang permit mag-operate ang kompanya ng Tsinoy kaya naman maituturing itong ilegal.

Dalawang bagay ang hamon na iniwan ko sa among nag-aangas at nagmamatigas sa telepono, “Ano gusto mo, bukas o sarado negosyo.” Noong una, wala raw siyang pakialam kaya ikinasa na ng BITAG at Caloocan BPLO ang patibong laban sa kanya. Kinagabihan pa lang, may tumawag na sa aming tanggapan. Nais daw makipag-ayos ng amo sa kanyang mga nagrereklamong empleyado, gusto niya rin daw magpaliwanag nang ma­ayos kay BITAG.

Para sa patas na sebisyo publiko, pinagbigyan ng BI­TAG ang kanyang kahilingan. Agad namin pinagharap ang mga nagrereklamong promding helper at ang kanilang among Tsinoy. Lalo pang lumalim ang imbestigas­yon sa nasabing paghaharap. Nagkaalaman na ang isa sa mga promding helper ay menor de edad, itinanggi ng among Tsinoy na alam niya ito. 

Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila ni Mr. Cua sa una naming pag-uusap sa telepono ngunit ang maganda sa kolokoy na ito ay handa naman siyang panagutan ang lahat ng kanyang pagkakamali.

Para hindi na humaba pa ang diskusyon, sa harap ng camera ng BITAG ay binayaran ng amo ang mga delayed na sahod ng kanyang mga tao. As a sign of goodwill ay binilhan pa ng ticket pauwi ng probinsiya ang mga nagrereklamo.

Ang maganda sa reklamong ito, natulungan din ng BITAG na mag-submit ng mga requirements sa BPLO ang kompanya ng amo. Nais na rin daw niyang  maging legal ang pagpapatakbo ng negosyo.

Mga Boss, hindi naman sa lahat ng oras ay gumagamit kami ng lengguwaheng brusko. Sa pagkakataong ito, pinairal namin ang patas na imbestigasyon kaya naman hindi lang ang mga nagrereklamo kundi pati ang nirereklamo ay napabuti rin ang kalagayan.

Sabi nga, lahat nang argumento ay masosolusyunan sa maayos na usapan. Pero kung mali na’t sa BITAG pa nakipagmatigasan, siguradong meron kang kalalagyan.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with