^

PSN Opinyon

Mga tren

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAANO naman “nabuhay” ang “patay” na tren ng LRT-2? Ito ang paliwanag ng mga opisyal sa ngayon sa nagbang­gaang dalawang tren ng LRT-2. Nakaparada raw ang “patay” na tren nang biglang umandar at sumalubong sa umaandar na tren. Wala nang nagawa ang umaandar na tren kundi huminto at hintayin ang pagtama ng “nabuhay” na tren sa gitna ng Anonas at Cubao station. Tatlumpu’t isa ang nasaktan sa insidente.

Ito ang kauna-unahang insidente ng banggaan sa LRT-2. Kasalukuyang may imbestigasyon. Hindi ko alam kung paano pinaaandar ang mga bagon ng LRT-2, pero ang hinala ko lang ay nang “mamatay” ang tren, baka hindi naibalik ang silinyador o kung anuman ang nagpapaandar sa bagon. Nang magkaroon muli ng kuryente, umandar nang mag-isa ang tren. Dalawang tren kaagad ang hindi na muna magagamit. Dapat mailabas kaagad ang resulta ng imbestigasyon, para hindi na maulit. Ang LRT-2 pa naman ang walang aberya tulad ng dalawang linya.

Ano na ang balita sa mga Dalian train? Noong kalagitnaan ng Abril, may dayuhang vlogger na nag-upload ng video ng mga tren na ito. Malamig daw ang aircon. Ipi­nakita pa ang lugar ng operator. May mga lugar para sa wheelchair at may seatbelt pa para hindi gumalaw. May fire extinguisher sa tabi ng bawat pinto. Ipinakita pa ang mga piyesang nakalagay sa bodega, kung sakaling kailanganin ng mga bagon. Higit 6,000 kilometro na ang itinakbo. Sa madaling salita, puwede nang gamitin.

Isang buwan ang lumipas, walang balita kung ginagamit na o puwede na ngang gamitin ang Dalian trains. Tatlong taon nang inaayos ang mga tren, na noong dumating sa bansa ay hindi raw magamit dahil sa iba’t ibang dahilan. Pero kung ipinakita na nga ng vlogger, na may pahin­tulot din ng MRT, na maayos na at puwede nang gamitin, bakit kaya hindi pa ginagamit? May inaayos pa ba? Ilang beses nang narinig na puwede nang gamitin, bakit wala pa kung ang publiko naman ang makikinabang nang husto? 

vuukle comment

LRT-2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with