^

PSN Opinyon

Kidnap (Huli sa 2 bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

IBA naman ang kuwento ni Carina. Inamin niya na nag-away sila ni Lenny dahil nga ayaw ibalik ng babae ang kanyang anak. Inamin din niya na iwinasiwas niya ang gunting sa mukha ni Lenny. Pero bunsod daw ito ng takot niya na saktan siya ng mga taong nanonood sa labas ng bahay ni Lenny. Kaya napilitan siyang gawing pa­nangga o “human shield” ang biktima.

Hindi nakumbinse ang korte sa bersyon ng kuwento ni Carina at hinatulan siya para sa krimen ng serious illegal detention at less serious physical injuries. Pero pinawalang-sala naman siya sa kasong frustrated murder.

Umapela si Carina at ikinatwiran na hindi siya nagkasala sa krimen ng serious illegal detention. Wala naman daw siyang plano na kidnapin si Lenny at tanggalan ng ka­layaan ang babae.

Ayon sa Supreme Court, tama si Carina. Base mismo sa testimonya ni Lenny ay wala naman talagang plano si Carina na dakpin o gawin ang pagkidnap sa kanya. Ang mga kilos ni Carina ay gawa ng isang ina na desperadong mabawi ang kanyang anak lalo at ang pakiusap niya na ibalik ang anak ay hindi pinagbigyan ni Lenny. Ang ikinilos niya ay gawa ng isang babaing nawala sa sarili na hindi alintana ang magiging resulta ng ginawa.

Hindi porke humingi si Carina at tumanggap ng P1,000 mula kay Lenny ay matatawag na itong ransom money para mahatulan si Carina ng kidnapping sa ilalim ng Art. 267-RPC. Walang naipakitang ebidensiya na si­nadya ni Carina na huthutan ng pera si Lenny bago ang kanilang naging komprontasyon. At importanteng maipakita na ginawa ang pagkidnap para makuha ang ransom money.

Nang pilitin ni Carina si Lenny na aminin kung nasaan ang sinumpaang salaysay para punitin ito, ang ginawa niya ay maituturing lang na grave coercion sa ilalim ng batas (Art. 286 – Revised Penal Code) dahil: (1) pinilit­ niya si Lenny na gumawa ng isang bagay na labag sa kan­yang kalooban kahit pa tama o mali ito sa pamama­gitan ng pananakot at dahas sa kanyang biktima, at (2) walang legal na karapatan si Carina na gawin ito lalo at wala itong basbas ng batas.

Kahit pa sabihin na napilit ni Carina si Lenny na gumawa ng isang bagay na labag sa kanyang gusto, hindi pa ito maituturing na paraan ng illegal detention. Pero hindi rin puwedeng sabihin na lusot na siya sa kasong grave coercion dahil magkasama ang dalawang krimen. Kahit ang information sa kaso ay para lang sa illegal detention ay hindi nito mahahadlangan ang korte na parusahan siya sa kasong grave coercion.

Nagkasala si Carina sa kasong grave coercion at ang hatol ay makulong siya ng anim na buwan pero dahil nakabilanggo na siya sa loob ng tatlong taon at tatlong buwan ay wala na talagang dahilan para ikulong pa siya. Mas mahaba na ang panahon ng kanyang pagdurusa sa kulungan kumpara sa sentensiya niya (People vs. Villamar, G.R. 121175, November 4, 1998).

vuukle comment

KIDNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with