^

PSN Opinyon

Pamilya Estrada natuyo ang charisma sa mga botante

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NILANGAW na ang political career ng pamilya ni Erap Estrada nang ilampaso sila last Monday sa naging resulta ng bilangan ng boto sa katatapos na midterm election.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi umubra ang mga drama ni Erap kay Isko Moreno,  na dating mangangalakal ng basura.

Sabi nga, landslide si Erap kay Isko ang huli ang pinili ng madlang voters sa Maynila.

Sa San Juan, lagapak kay Francis Zamora ang apo ni Erap na si Janella sa pagka-alkalde.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang laglag sa pagka-Senador ang dalawang mag-utol na  sina Jinggoy at JV.

Sabi nga, mala-Spider Man na nakabitin sa pagkakahawak ang dalawa kaya ng lumabas ang resulta ‘crying in the rain’ na sila.

Ika  nga, laglag!

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa loob ng 50 years hinawakan ng pamilya ni Erap ang San Juan ngayon lang sila natauhan ng manalo si Zamora.

Sa lamang ni Francis kay Janella iprinoklama na ang una ng COMELEC.

Sabi nga, goodbye Estrada/Ejercito better luck next election.

Sina Estrada, Zamora at Moreno ay dating sanggang dikit sa politika pero naging magkalaban bandang huli.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinaki-usapan ng matalik na kaibigan ni Erap sina Jinggoy at JV na huwag iwanan ang San Juan isa na lamang sa kanila ang tumakbo sa senado at ang isa ay sa San Juan.

Hindi sila nagbigayan kaya hayun pare-pareho silang nasilat.

Sabi nga, nakakalungkot pero ang nagdesisyon ay ang madlang voters kaya naman sa kangkungan sila pinulot.

Ika nga, nagsawa na sa kanila!

Ano sa palagay ninyo?

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

ERAP ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with