^

PSN Opinyon

Senate employee, naka-time-inhabang nangangampanya

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

USAP-USAPAN sa Senado ang babaing empleyado ng senador na nangangampanya sa isang kandidato sa pagka-senador ng nagdaang elections. Hindi maganda na sumasahod sa Senado ang empleyado subalit nagmo-moonlight sa isang kandidato na dating amo rin niya. Nalitratuhan ang empleyada na nakasuot ng campaign t-shirt sa isang out-of-town campaign. Hindi ba’t ipinagbabawal ng CSC ang electioneering sa mga empleyado ng gobyerno?

Ang empleyado ay naka-detail sa Office of the Senate Secretary Atty. Myra Villarica. Habang nasa out-of-town siya para mangampanya, nakapag-time-in naman siya sa daily time record ng Senado, na pirmado ng kanyang hepe. Ang tanong? Paano nangyari na nasa Senado siya samantalang nakunan ng litrato sa kampanya sa probinsiya? Parang kakutsaba ng empleyado ang kanyang superior sa raket niya. Subalit sa totoo lang, kahit niloloko ng empleyado ang Senado, paatras naman ang tsansa ng amo niya sa mga survey. Inungusan na siya ng “good” boy senator na tumatakbo para sa second term. Get’s n’yo mga suki?

Sa totoo lang, ipinagbabawal ng Civil Service Commission (CSC) ang electioneering sa mga empleyado ng gobyerno, kabilang ang Senado. Nakapaloob ito sa CSC Resolution No. 1600298 na inilabas noong Marso 29, 2016. Sinisiguro ng nasabing resolusyon na nakatutok sa kanilang mga trabaho and government emplo­yees at hindi sa ibang bagay, tulad ng pangangampanya.

Nakasaad din sa CSC Memorandum Circular no. 30, 2. 2009 na mahigpit na ipinagbabawal ng nasabing ahensiya ang direktang pag-solicit ng mga boto, pledges para sa isang kandidato o para kontrahin ang pagtakbo ng isang kapwa kandidato. Ayon sa section 261 (i) ng Omnibus Election Code, sinumang manggagawa ng gobyerno na mahuhuling lumalabag sa batas ay maaaring makasuhan at makulong sa salang electioneering.

Alam kaya ng empleyada ang patakaran ng CSC? Si Atty. Villarica kaya? Ano ang gagawin ng CSC sa staff na ito, pati na rin sa kanyang mga kakutsaba kapag napatunayan na nilabag nila ang naturang batas? Dapat umaksiyon si Senate Pres.Tito Sotto rito. Abangan!

vuukle comment

CIVIL SERVICE COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with