^

PSN Opinyon

Hindi kita malilimutan Dr. Willie Ong

DEAR EDITOR - Pilipino Star Ngayon

Paano kita malilimutan, Doc Willie, pinag-aksaya­han­ mong puntahan ang aking Lolo Nado noong April 2009 sa aming bahay sa Tejeros BLISS Makati City para i-check­-up. May sakit sa puso ang aking lolo at wala kaming­ pam­pa-ospital.

Tanghaling tapat noon at nakapapaso ang init ng araw pero hindi naging hadlang iyon para puntahan ang isang matandang nangangailangan ng tulong.Hindi ko malili­mutan na hinanap ninyo ni Doktora Liza (iyong maybahay) ang aming tirahan para lamang ma-check-up ang aking 78 year old na lolo. Nasa high school pa lang ako noon at kitang-kita ko ang ginawa mong pag-check-up sa aking­ lolo na maski siya, hindi akalaing pupuntahan siya ng isang doctor na katulad mo. Gulat na gulat ang aking lolo sapagkat sa unang pagkakataon, may doctor na nagtungo sa bahay para i-check-up siya nang libre.

Ikaw din ang nagrekomenda sa aking lolo na makabitan siya ng libreng pacemaker para madugtungan ang kanyang buhay. Itinuro mo ang gagawin para hindi kami malito­. Sa lahat ng mga ginawa mo sa aking lolo, wala kang hininging bayad.

Hindi ko malilimutan ang ginawa mong tulong na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa sa aking alaala. Nakatatak na iyon sa aking isipan at kahit kailan ay hindi ko malilimutan.

Kaya tuwang-tuwa ako nang malaman na kakandidato kang senador. Ngayon lang ako makakabayad sa ginawa mo sa aking Lolo Nado. Number 1 ka sa aming pamilya at kamag-anak sa May 13. Ikaw ang aming senador. Mara­ming salamat Dr. Willie Ong. – PAULINE CASTRO, Bldg. 1 Tejeros BLISS, H. Santos St., Makati City

vuukle comment

WILLIE T. ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with